Fariñas ng Ilocos Norte, suportado si Bong Go
MANILA, Philippines — Nagkaroon ng malaking laban si presidential candidate Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa Ilocos Norte nang magpahayag ang pamilya Fariñas ng suporta sa kanyang kandidatura sa May 2022 elections.
Inanunsyo ni Ilocos Norte 1st District Rep. Ria Fariñas na dadalhin niya ang kandidatura sa pagkapangulo ng bansa ni Senator Go.
Pinuri ni Fariñas, miyembro ng PDP-Laban, si Go at sinabi niyang susuportahan ang standard bearer ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS). Ang PDDS ay kaalyado na ng PDP-Laban.
Lubos namang pinasalamatan ni Go si Rep. Fariñas, kasalukuyang Deputy Majority Leader ng House of Representatives, sa sinabi ng mambabatas.
“Salamat po sa suporta at tiwala. Hindi namin ito sasayangin, magseserbisyo po kami sa inyo. Magtulungan tayo,” anang kandidato sa pagkapangulo.
Ang ekonomiya ng Ilocos Region ay nakaangkla sa agrikultura at agro-industrial sectors.
Nangako si Go na kapag nahalal siyang pangulo ay ipagpapatuloy niya ang pagtataguyod ng agriculture support systems at infrastructure, kagaya ng farm-to-market roads.
- Latest