^

Bansa

Kiko sa gobyerno: Kumilos nang mabilis vs avian flu

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan si vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan sa gobyerno na kumilos nang mabilis upang mapi­gil ang pagpasok ng avian flu sa bansa kasunod ng paglitaw nito sa ilang bahagi ng Asya.

Ayon kay Pangilinan, dapat nang pag-aralan ng pamahalaan ang posibilidad na pag-ban ng poultry products mula sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng avian flu.

Sinabi rin ni Pangilinan na dapat nang paigtingin ang inspeksyon sa mga inaangkat na poultry pro­ducts sa pamamagitan ng pagtatalaga ng special teams sa mga port, kabilang ang DA personnel para walang makalusot na produkto na kontaminado at hindi nasusuring malinis.

Dapat na ring makipag-ugnayan ang gobyerno sa lokal na poultry industry, malaki man o maliiit, para masiguro na sapat ang supply ng manok lalo na sa inaasahang pagtaas ng demand ngayong Pasko.

Iginiit ni Pangilinan na malapit sa sikmura ng mga Pilipino ang usaping manok dahil kumukonsumo ang bawat Pinoy ng 16.56-M kilo ng karne ng manok kada taon.

Nag-aambag naman ang poultry industry ng mahigit P237 bilyon sa production value ng bansa.

“Nagdeklara ang DA na tayo ay avian flu-free na nitong January 2021. Panatilihin natin ang ganitong status,” ani Pangilinan.

AVIAN FLU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with