Seniors, immunocompromised individuals pwedeng mamili ng brand sa 3rd dose
MANILA, Philippines — Pwedeng mamimili ng brand ng COVID-19 vaccines ang mga senior citizen at immunocompromised individuals para sa third dose.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ito ay sa oras na simulan na ng gobyerno ang pagbibigay nito sa kanilang sektor.
“Now the major difference, ito pong sa ating senior citizens at saka sa immunocompromised, tinitingnan natin kasi it is medically indicated and kailangan po pag immunocompromised, it’s going to be called a third dose,” ani Vergeire.
Gayunman, maari naman aniyang mamili sila kung homologous o pareho sa brand na naiturok na sa kanila at heterologous o ibang brand na hindi kapareho nang naiturok na sa kanila.
Kinukumpleto pa aniya, ng DOH ang proseso sa ilalabas na guidelines na isasapubliko.
Una nang sinimulan ang booster shots sa lahat ng healthcare workers sa bansa nitong Nobyembre 17, 2021.
- Latest