^

Bansa

Probinsyano partylist namahagi ng tulong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Higit 500 mag-aaral sa High School at Kolehiyo sa Quezon City ang binigyan ng Educational Assistance ng Ang Probinsyano Party-list.

Ginanap ang payout sa San Antonio Elementary School sa pangunguna ni Ang Probinsyano Party-list Chief of Staff Edward Delos Santos.

Kasunod nito, pina­ngunahan naman ni Delos Santos at ng mga opis­yal ng Alfonso, Cavite ang pagpapasinaya sa bagong barangay hall sa Santa Teresa, Alfonso na handog ng Ang Probinsyano Party-list sa pakikipagtulungan ni Cavite 8th District Congressman Abraham “Bambol” Tolentino.

Matapos ang inagurasyon, personal na kinumusta ni Delos Santos ang mga magsasaka sa Alfonso.

Kinilala at sinaluduhan niya ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga magsasaka sa pagtiyak ng supply ng pagkain ng mga Pilipino gayundin sa pagpapanatili ng ekonomiya ng bansa.

Bilang pasasalamat, nag-abot ng ayudang bigas at itlog si Delos Santos sa mga dumalong magsasaka bilang pasasalamat sa kanilang mahalagang ambag sa mga Pilipino.

Ilang panukala na ang inihain ng Ang Probinsyano Party-list sa kongreso para makatulong sa mga magsasaka.

Pangako ni Delos Santos, ipagpapatuloy ng Ang Probinsyano Party-list ang pagbuo ng mga programa at mga batas para matulungan ang ating mga kababayan na matupad ang kanilang mga pangarap.

PROBINSYANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with