MANILA, Philippines — Binawi ng gobyerno ang una nitong utos na nagpapahintulot sa pagtanggal ng face shield requirement sa ibabaw ng face mask sa lahat ng lugar maliban na lang sa Alert Level 5 at granular lockdown areas sa gitna ng COVID-19.
Apat na araw pa lang ang nakalilipas nang tanggalin na ang mandatory face shield sa Alert Levels 1, 2 at 3 habang binibigay naman ang bola sa local governments na magdesisyon kung ioobliga ito o hindi.
Related Stories
"With regard to the voluntary use of face shields for areas under Alert Level 3 to 1, it is hereby clarified that the same is without prejudice to employers still requiring their use for their employees/workers and/or customers in their respective premises," ani acting presidential spokesperson Karlo Nograles, Biyernes.
Nangyari ang pagtatanggal ng mahigpit na face shield policy matapos kwestyonin ng sari-saring sektor, kabilang na ng lahat ng 17 Metro Manila mayors, ang "scientific" na bisa nito laban sa COVID-19.
Kahit na hindi pa inaaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng pandemic task force na luawagan ang face shield requirement, una na itong ipinatupad ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso sa kanilang lungsod.
"We had to clarify with the [task force]... because there are two trains of thought, is [wearing face shields] user discretion or the discretion of the establishment?" dagdag pa ni Nograles.
"When it comes to customers, it is the discretion of the establishment."
Sa huling tala ng Department of Health ngayong araw, umabot na sa 2.82 milyon na ang namamatay sa COVID-19 sa Pilipinas. Kaugnay nito, 46,698 na ang namamatay dito sa bansa. — James Relativo