^

Bansa

Duterte: PDP-Laban, PDDS at Lakas-CMD hindi mag-aalyado sa 2022 'dahil kay Marcos'

James Relativo - Philstar.com
Duterte: PDP-Laban, PDDS at Lakas-CMD hindi mag-aalyado sa 2022 'dahil kay Marcos'
Makikita sa larawan sina Pangulong Rodrigo Duterte (kaliwa) at Lakas-CMD vice presidential candidate na si Davao City Mayor Sara Duterte (gitna) at kanyang presidential running mate na si dating Sen. Bongbong Marcos (kanan)
Presidential file photo; Marcos campaign

MANILA, Philippines — Lalo pang lumalabo ang posibilidad na magkaroon ng alyansa ang ruling party na PDP-Laban at kaalyado nitong Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) nina Pangulong Rodrigo Duterte sa partido ng kanyang anak na si Sara Duterte na Lakas-CMD sa halalang 2022.

Ito ang sabi ni Digong sa kanyang pulong kasama ang mga local leaders ng Oriental Mindoro, Biyernes, dahil sa lalong umaasim na pananaw niya sa presidential running mate ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na si dating Sen. Bongbong Marcos.

"No I cannot [let that happen] because nandiyan si [Bongbong] Marcos. Hindi ako bilib sa kanya. He's really a weak leader," banggit ni Duterte ngayong araw sa Lungsod ng Calapan.

"Totoo 'yan, hindi ako naninira ng tao. Talagang weak kasi spoiled child, only son [ni Ferdinand Marcos]."

Kasalukuyang may alyansa ang Lakas-CMD nina vice presidential aspirant Duterte-Carpio kina Marcos, na tumatakbo naman sa pagkapangulo sa 2022 sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas.

Si Digong, PDP-Laban member na tumatakbo sa pagkasenador sa ilalim ng PDDS, ay sinusuportahan ang kandidato ni PDDS presidential aspirant Sen. Christopher "Bong" Go, na siyang makakatunggali ni Marcos sa 2022.

Martes lang nang sabihin ni Inday Sara, na ngayo'y Lakas-CMD chair, na tinanggihan siyang suportahan ng PDP-Laban dahil sa kanyang 2022 electoral tandem kasi si Bongbong.

"Pero sabihin mo may crisis, ganoon, he's a weak leader at tska may bagahe siya. 'Yan ang sinasabi ko sa inyo. Totoo 'yan... I do not voice lies, masisira ka," patuloy ng kontrobersyal na presidenteng dating kaalyado ni Bongbong.

"I'm not saying mas mahusay ako. Maybe magkaroon siya ng maraming pera, magpahiram o mga loans ng... pwede 'yan sila. pero sabihin mo 'yung governance o may gulo, doon sa Jolo, eh walang pumupunta roon. Takot na lang 'yan. Punta ka."

Kasabay nito, ipinagmalaki ni Duterte ang kanyang pagpunta sa Jolo, Sulu na siyang binomba noong 2020. Aniya, napahalik pa siya ng lupa noon.

"Marawi? I went there. Nabutas nga 'yung helicopter ng... binaril ng mga rebelde," patuloy niya pagdating sa Islamic City na sinalakay noon ng teroristang Maute-Isis at Abu Sayyaf noong 2017, dahilan para mailagay ang buong pulo ng Mindanao sa martial law.

Na-lift lang ang batas militar sa Mindanao ika-1 ng Enero 2020 kahit ilan taon na noong "malaya" mang Marawi sa mga terorista.

Ang naturang patutsada ay pinakawalan ng presidente kahit na inendorso niya ang kapatid ni Bongbong na si Imee Marcos sa pagkasenador noong 2019, na nanalo kalaunan.

Nangyayari ang lahat ng ito kahit na pinahintulutan noon ni Digong ang pagpapalibing sa diktador na ama nina Bongbong at Imee na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani.

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

LAKAS-CMD

PDP-LABAN

RODRIGO DUTERTE

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with