^

Bansa

Petisyon para ikansela 2022 Senate bid ni Raffy Tulfo inihain sa Comelec

Philstar.com
Petisyon para ikansela 2022 Senate bid ni Raffy Tulfo inihain sa Comelec
In this Oct. 2, 2021 photo, broadcaster Raffy Tulfo signs Comelec's Integrity Pledge.
The STAR/Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Kung nagkataon, maaaring hindi na makatakbo sa pagkasenador ang broadcaster na si Raffy Tulfo sa 2022.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez, Huwebes, bago pa man matapos ang nakaraang buwan ay may naghain na sa kanila ng reklamo.

"Julieta Pearson [filed the petition]. Filed October 25," paliwanag ni Jimenez sa isang press briefing ngayong hapon.

"Petition to cancel [certificate of candidacy]."

Kung magtatagumpay ang naturang reklamo, mangangahulugang hindi opisyal na naihain ang certificate of candidacy (COC) ng kontrobersyal na anchor sa simula'y simula pa lang.

Kilalang anchor sa telebisyon at radyo noon si Tulfo bago siya maghain ng kandidatura sa Comelec noong Oktubre. Naging tanyag ang nasabing mamamahayag sa kanyang trabaho sa pagbabalita sa TV5 at pangunguna sa ilang public service shows sa Radyo Singko at YouTube, gaya ng "Wanted sa Radyo," "T3" at "Raffy Tulfo in Action."

"There is only one ground for cancellation [of COC], which is material misrepresentation," dagdag pa ni Jimenez kanina. 

Wala pa namang inilalabas na komento ang kanyang kampo ni Tulfo pagdating sa naturang isyu.

Oktubre lang nang ma-badtrip ang umatras na PDP-Laban presidential aspirant at dating Philippine National Police chief Sen. Ronald "Bato" dela Rosa kay Tulfo matapos sabihin ng huli na nabigo si Pangulong Rodrigo Duterte sa inilunsad niyang "war on drugs."

Dating pabor si Tulfo na mahatulan ng bitay ang mga lumalabag sa drug laws ngunit nagbago ang kanyang isip dahilang kontra-mahirap daw ito. Aniya, mas madaling makakalusot sa ganitong klaseng mga kaso ang mayayaman na kayang magbayad ng mahuhusay na abogado. — James Relativo

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

COMMISSION ON ELECTIONS

JAMES JIMENEZ

RAFFY TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with