MANILA, Philippines — Sa kabila ng dinaranas na pandemya ng bansa, hindi napigil ng lalawigan ng Tarlac ang tradisyonal na ‘Belenismo sa Tarlac’ na simbolo ng pagkakaisa, pag-asa at pagmamahal sa kapwa.
Ipinakita ng simbahan, munisipyo at maging ng mga komunidad na lumahok ang kanilang pagiging malikhain sa naglalakihan at makukulay na mga Belen.
Kasama ang ilang piling hurado noong gabi ng Sabado, ipinakita ni Tarlac Heritage Foundation co-founder, Dr. Isabel Cojuangco-Suntay, ang makukulay at naglalakihang mga Belen na gawa sa iba’t ibang produkto kabilang na ang mga recycable materials.
Ani Suntay, bagamat taun-taon ginagawa ang Belenismo, hindi pa rin nawawala ang husay at galing ng mga lumahok. Ang iba ay itinanghal ng Hall of Fame.
“Every year, it’s always a surprise. You see the creativity of people, their hope, their dreams, it’s their vision that they exhibit in their belens, so it’s a personal relationship at this time of the year for communities and people. It’s always a delight when people give tribute to the significance of the birth of Child Jesus in the manger. That is the spirit of Christmas,” ani Suntay.