^

Bansa

Ika-40 taon ng 'Manila Film Center tragedy' inalala ng mga manggagawa

Philstar.com
Ika-40 taon ng 'Manila Film Center tragedy' inalala ng mga manggagawa
Makikitang nag-aalay ng bulaklak ang mga grupong ito Manila Film Center, Pasay habang naninindigang hindi magbabalik ang diktaduryang Marcos, ika-17 ng Nobyembre, 2021
Released/Kilusang Mayo Uno; Mula sa Twitter account ni BMP chair Leody de Guzman

MANILA, Philippines — Ginunita ng sari-saring grupo ng mga manggagawa ngayong araw ang trahedyang nangyari sa kontrobersyal na Manila Film Center 40 taon na ang nakalilipas, bagay na kumitil sa buhay nang ilang obrero.

Sinasabing 169 manggagawa ang patay sa pagguho ng scaffolding nito noong November 17, 1981, dahilan para malibing sila sa "quick-drying cement." Ayon sa mga grupo, minadali ng diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang gusali para sa First Manila International Film Festival.

"Kasabay ng pagkamatay ng mga manggagawang sa Manila Film Center, ibinaon din ng mga Marcos ang katotohanan. Pinatahimik ang mga witness at tagapagbalita. Pinagtakpan ang mga kasalanan sa likod ng mga grandyosong palabas at pagtitipon," ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU), Huwebes, sa pangunguna ng kanilang chair at senatorial aspirant Elmer "Ka Bong" Labog.

"Ngayon ginagawa ng mga Marcos ang lahat ng pamamaraan upang makapanumbalik sa Malacanang, ngunit hindi nila maitatago ang legasiya ng kanilang pamumuno."

 

 

Matapos mangyari ang naturang aksidente, hindi agad nalapatan ng lunas ang mga biktima dahil sa mahigpit na seguridad. Tinatayang nasa siyam na oras bago napasok ng rescuers at ambulansya sa pinangyarihan ng aksidente.

Sa kabila ng lahat ng ito, naninindigan ang dating presidente ng Cultural Center of the Philippines na si Baltazar Endriga na "pito" lang ang namatay sa insidente.

Patuloy ng KMU, hindi mabubura sa kasaysayan ang bilyun-bilyong yamang ninakaw ng rehimeng Marcos sa kaban ng bayan, maliban pa sa libu-libong pinahirapan at pinaslang.

Tinatayang hanggang "$10 bilyon" ang natangay ng pamilya Marcos, kung kaya't record-holder para sa "Greatest robbery of a Government" sa Guiness World of Records si Makoy.

"Ang lahat ng pinagmamalaking imprastraktura ng 'golden age' ng pamilyang Marcos ay nakapundar sa sama-samang pagod, sakripisyo at buhay ng manggagawang Pilipino. Hustisya para sa mga manggagawang biktima ng Manila Film Center tragedy! Hustisya para sa manggagawang Pilipino!" banggit naman ni Bukluran ng Manggagawang Pilipino chair at presidential aspirant Ka Leody de Guzman kanina.

"Sa Manila Film Center tragedy, makikita ang pagturing ng diktadurang Marcos sa mga manggagawa. Hindi tao kundi bagay... Nagpapasikat ang pamilya Marcos sa pandaigdigang komunidad na kumekwestyon pa rin sa kanilang diktadura matapos ang lifting ng Martial Law noong 1981."

'Never Again'

Sama-samang nag-alay ng bulaklak ang KMU at mga kasamahan nina De Guzman sa hagdan ng naturang film center kanina ang mga manggagawa, bagay na may mensaheng "Never Again" — pariralang madalas gamitin ng mga tumututol sa Batas Militar.

Nataon ang paggunitang ito ilang linggo matapos maghain ng certificate of candidacy (COC) ni dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. para sa pagkapresidente sa 2022. Siya ang anak ng presidente noong mangyari ang insidente.

"Dapat panagutin ang mga Marcos sa pagkamatay ng 169 manggagawa sa pagguho ng Manila Film Center! Dapat biguin ang kandidaturang Marcos-Duterte!" panapos ng KMU sa isang pahayag kanina.

Si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang kasalukuyang running mate at bise presidente ni Bongbong— James Relativo

ELMER LABOG

FERDINAND MARCOS

KILUSANG MAYO UNO

LABOR RIGHTS

LEODY DE GUZMAN

MANILA FILM CENTER

MARTIAL LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with