'Babayu!': Harry Roque huling araw na bilang tagapagsalita ni Duterte
MANILA, Philippines — Lilisanin na ni presidential spokesperson Harry Roque ang kanyang trabaho bilang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong kumpirmado na ang kanyang pagtakbo sa pagkasenador sa 2022.
Ngayong araw kasi ay naghain na ng certificate of candidacy (COC) sa pagkasenador si Roque, na magiging substitute ni Paolo Martelino ng People's Reform Party.
"Ito na po ang huling araw na makakasama niyo ako bilang inyong presidential spox, IATF spox at spox ng bayan," wika ni Roque sa isang press briefing, Lunes.
"Ito po ang inyong spox Harry Roque nagsasabing 'I love you Philippines.'"
LOOK: Harry Roque files substitution for Senator under People's Reform Party (PRP) @News5PH @onenewsph pic.twitter.com/WHZJDwG3lL
— marie ann los banos (@maeannelosbanos) November 15, 2021
#BilangPilipino2022 | Sec. Harry Roque files for substitution for senator under the People's Reform Party. Roque took the spot of Paolo Martelino, who withdrew his senatorial bid earlier this afternoon. (via News5/Maeanne Los Baños) pic.twitter.com/Gh71jlWTUs
— ONE News PH (@onenewsph) November 15, 2021
Inihain ni Roque ang kanyang COC at substitution ilang araw matapos hindi makakuha ng seat at mangulelat sa mga nominado sa International Law Commission (ILC).
Una nang sinabi ni Roque na nahanap niya ang "resolve" para tumakbo sa pagkasenador sa dahilang ayaw niyang manalo sa pagkasenador ang mga kaalyado ng mga "extremist groups."
Maliban dito, nangako rin daw siya noong tatakbo sa pagkasenador kung tatakbo sa national position si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
"At 'yan naman po ang dahilan kung bakit babalik po tayo sa larangan ng pulitika, babalik po sana tayo sa Konggreso ng Pilipinas doon po sa Kamara ng Senado," wika pa niya.
"Nagpaalam na po ako kay Presidente Rodrigo Roa Duterte at kay Mayor Inday Sara Duterte para sa panibagong hamon na aking haharapin mula sa inyong pagiging spox, ay nais ko pong maging action man sa Senado."
Wala naman "daw" kuneksyon sa kanyang hindi pagkakasungkit ng ILC seat sa kanyang pagtakbo sa Senado sa 2022.
Inendorso ni Sara
Nagpaabot naman ng kanyang pagsuporta sa kandidatura ni Roque si Inday Sara, na siya namang naghain ng COC sa pagkabise presidente bilang kantambal ng presidential aspirant na si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
"Si Harry Roque, ang ating Palace spokesperson, ay magiging Senate action man," wika ni Inday Sara na magiging runningmate ng anak ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr.
"Ibigay natin ang todo at buong suporta natin sa kanyang kandidatura para sa Senado. We will see you in the Senate, Sen. Harry Roque.
"WE WILL SEE YOU IN THE SENATE"
— News5 (@News5PH) November 15, 2021
Ito ang inihayag ni Davao City Mayor Sara Duterte bilang pagsuporta sa kandidatura ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque sa pagkasenador sa 2022 elections. #BilangPilipino2022 pic.twitter.com/yP60U20pPs
— may mga ulat mula sa News5 at ONE News
- Latest