^

Bansa

Red-tagger Parlade tatakbo raw presidente bilang 'substitute,' kahit bawal

James Relativo - Philstar.com
Red-tagger Parlade tatakbo raw presidente bilang 'substitute,' kahit bawal
Litrato ni Ret. Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., dating tagapagsalita ng NTF-ELCAC
News5/Greg Gregorio

MANILA, Philippines — Nagbabalak kumandidato sa eleksyong 2022 ang dating tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pagkapangulo sa huling araw ng candidate substitution.

Isang kontrobersyal na spokesperson noon ng NTF-ELCAC, naghain ng "substitution" si Ret. Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. ngayong Lunes bilang standard-bearer ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino bilang kapalit ni Antonio Valdes na umatras noong Sabado.

Papalitan ni Parlade si Valdes kahit independent candidate sa pagkapangulo ang huli sa 2022. Hindi pinapayagan ng Omnibus Election Code at Commission on Elections (Comelec) ang substitution sa isang independent candidate.

Ayon sa Section 77 ng Batas Pambansa Blg. 881, s. 1985:

... only a person belonging to, and certified by, the same political party may file a certificate of candidacy to replace the candidate who died, withdrew or was disqualified.

Kilala si Parlade sa pag-uugnay ng mga ligal na aktibista, pati mga artista gaya nina Angel Locsin, sa mga armadong komunista kahit walang matibay na ebidensya.

Ika-1 ng Hulyo lang nang magbitiw bilang tagapagsalita ng naturang anti-communist task-force si Parlade matapos kwenstyonin ng mga mambabatas ang appointment ng isang Southern Luzon commander sa isang civilian position sa gobyerno.

 

 

— James Relativo at may mga ulat mula sa News5 at ONE News

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito

2022 NATIONAL ELECTIONS

ANTONIO PARLADE JR.

NTF-ELCAC

RED-TAGGING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with