Lacson umarangkada na sa mga huling survey

MANILA, Philippines — Tumaas ang antas ng pagtanggap ng publiko kay Partido Reporma chairman at 2022 elections standard bearer Panfilo Lacson bunga na rin ng mga numerong naitala niya sa mga survey na isinagawa kamakailan.

Pinakahuling naglabas ng datos ay ang Catholic-owned Radyo Veritas, nakapagtala si Lacson ng 19 puntos na isinagawa sa pagitan ng Oktubre 1-31 na may temang Respondent’s Perception of Who Among the Current Presidential Aspirants Adheres to Catholic Values and Beliefs.

Bago ito ay nakapagtala ng 68 porsiyento si Lacson sa survey ng grupong Power of Truth Halalan 2022 noong Oktubre 22 at nagtagal ng anim na araw na sumakop ng 2 libong respondents sa tanong na “Who is your Presidential Bet for 2022 National Elections?”

Bagama’t pumangalawa sa kanya sina Ferdinand Marcos, Jr., at independent candidate Vice President Leni Robredo, malayong malayo naman ang naitala nitong numero na umabot lamang sa 12% kasunod sina Isko Moreno at Manny Pacquiao na kapwa may 3%.

Bago ang nabanggit na dalawang pinakahuling survey, nakakapo si Lacson ng 12.5% sa Pulso ng Pilipino pre-election survey na isinagawa ng Issues and Advocacy Center (The CENTER) mula Setyembre 27 hanggang Oktubre 8.

Positibo namang tinanggap ng Partido Reporma ang mga nabanggit na resulta ng survey dahil nagpapakita lamang ito na nasa tamang direksyon ang kanilang pangangampanya sa kabila ng kakaibang galawang pampolitikal sa bansa sa kasalukuyan.

Show comments