Binawian ng buhay sa COVID-19 sa Pilipinas lampas 44,000 na

Residents light candles and offer a short prayer in front of their homes in Manila on All Saints' Day to honor their dearly departed as cemeteries are closed in Metro Manila.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,376 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Biyernes, kung kaya't nasa 2.79 milyon na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 2,797,986
  • Nagpapagaling pa: 37,377, o 1.3% ng total infections
  • Kagagaling lang: 2,109, dahilan para maging 2,716,524 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang: 260, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 44,085

Vaccine hessitancy sa Pilipinas bumaba

  • Lalo pang magluluwag ang COVID-19 restrictions sa Kamaynilaan simula ngayong araw ngayong epektibo na ang Alert Level 2 rito. Magbubunsod ito nang pagbubukas nang mas maraming trabaho at pagpapataas ng maximum capacity sa indoor at outdoor venues.

  • Dahil Alert Level 2 na sa Metro Manila, papayagan na rin ng Commission on Higher Education (CHED) ang 50% capacity ng face-to-face classes sa lahat ng kolehiyo kahit na anuman ang kurso. Mag-a-apply rin ito sa iba pang mga lugar na ilalagay sa Alert Level 2. Dati kasi, mga health related courses lang ang pinapayagang magharapang klase.

  • Sa mahigit 21,851 menor de edad na nabakunahan na laban sa COVID-19 sa Pilipinas, sinasabi ng DOH na tanging 59 lang sa kanila ang nakaranas ng side-effects — karamihan panay minor cases lang. Tatlo lang daw dito ang "serious" ngunit agad rin daw naagapan at napauwi matapos painumin ng gamot na Epinephrine.

  • Sa pinakabagong pag-aaral ng Social Weather Stations, lumalabas na umakyat na sa 64% ng mga Pilipibi ang payag magpabakuna laban sa COVID-19. Mas mataas ito sa 55% nitong Hunyo 2021.

  • Umabot na sa 28.71 milyon ang nakakukumpleto ng COVID-19 vaccine doses sa Pilipinas. Bahagi lang 'yan ng 62.47 milyong gamot na naituturok na sa bansa sa ngayon.

  • Sumampa na sa 247.96 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 5.02 milyong katao.

— James Relativo

Show comments