Mga lugar sa Pinas balik ‘pre-Delta surge’

Commuters queue for the carousel bus in Monumento, Caloocan on Nov. 2, 2021 as workers are back for work after the long weekend brought by All Saints' Day and All Souls' Day.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Bumalik na ang ma­yorya ng mga lugar sa Pilipinas sa sitwasyon bago magkaroon ng surge dulot ng Delta variant ng COVID-19.

Sinabi ni OCTA Research Group member Dr. Guido David na nasa ‘low risk classification’ na ang National Capital Region (NCR), Davao City, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga at Rizal habang ang Cebu City ay nasa mas mababang ‘very low risk classification’ na.

“We have reversed the Delta surge already in NCR. We were back to where we were before the surge in July. And the goods news is it’s not just in the NCR,” ayon kay David.

Bagaman may mga lugar pa sa bansa na mataas pa rin ang bilang ng mga kaso ng COVID-19, nilinaw ni David na pababa na rin ang mga ito.

Itinuro niya ang pagbaba ng mga kaso sa mas malawak ngayong narating ng COVID-19 vaccines, pagsunod ng publiko sa minimum health standards at pagpapatupad ng mga lockdowns.

Sa kabila nito, patuloy na iginiit ng OCTA na mabakunahan pa ang nalalabing bilang ng populasyon lalo na ang mga matatanda at mga may iniindang ibang karamdaman para maiwasan ang panibagong surge sa bansa.

Show comments