MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,766 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Huwebes, kung kaya't nasa 2.79 milyon na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- Lahat ng kaso: 2,795,642
- Nagpapagaling pa: 37,159, o 1.3% ng total infections
- Kagagaling lang: 2,591 dahilan para maging 2,714,658 na lahat ng gumagaling
- Kamamatay lang: 239, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 43,825
Plano sa COVID-19 'free' Philippines inilatag
-
Ibinunyag na ni Bise Presidente Leni Robredo, na tumatakbo sa posisyon ng pagkapangulo sa 2022, ang kanyang plano para tapusin ang COVID-19 sa Pilipinas — kabilang na riyan ang pamumuhunan sa public health system at pagbabago sa pandemic response ng bansa.
-
Igugulong ng gobyerno ang nasa 6 milyong doses ng Johnson & Johnson's COVID-19 vaccine sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao para matugunan ang problema ng vaccine hesitancy, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. kanina.
-
Sa kabila ng dahan-dahang pagbubukas ng ekonomiya ng Pilipinas at pagluluwag ng mga COVID-19 restrictions, sumirit naman pataas sa 4.25 milyon ang walang trabaho sa bansa nitong Setyembre, pag-uulat ng Philippine Statistics Authority kanina.
-
Umabot na sa 28.19 milyon ang nakakukumpleto ng COVID-19 vaccine doses sa Pilipinas. Bahagi lang 'yan, 61.35 milyong gamot na naituturok na sa bansa sa ngayon.
-
Sumampa na sa 247.47 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 5.01 milyong katao.
— James Relativo