Walang trabaho sa bansa nitong Setyembre sumirit pataas sa 4.25 milyon

Commuters sport face shields while riding the LRT Line 2 coach in Quezon City on Nov. 3, 2021. The Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases eyes scrapping the mandatory wearing of face shield policy in connection with the downtrend in COVID-19 cases in the country, Malacañang spokesperson Harry Roque said in a briefing.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Dumami pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong unemployed sa pagpapatuloy ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic nitong nagdaang mga buwan, pagkukumpirma ng gobyerno.

"Ang bilang ng underemployed nitong Setyembre ay tinatayang nasa 6.18 million," wika ng Philippine Statistics Authority, Huwebes.

"Ito ay mas mababa nang 0.30 million kumpara noong Agosto 2021 na naitala sa 6.48 million at higit na mas mababa ito kung ikukumpara noong Hulyo 2021 na nasa 8.69 million."

Gayunpaman, mas marami ang walang trabaho nitong Setyembre kumpara sa 3.88 milyon nitong Agosto 2021, kung titignan ang datos ng PSA.

Dahil dito, papalo na sa 8.9% ang unemployment rate sa naturang buwan kumpara sa 8.1% isang buwan bago ang naturang time period. Ito na ang pinakamataas na unemployment rate simula Enero 2021.

Sa parehong buwan ng Setyembre, lumalabas din sa pag-aaral ng gobyerno ang mga sumusunod na bilang:

"Nitong Setyembre 2021, ang employed persons o bilang ng may trabaho o negosyo ay naitala sa 43.59 million," patuloy ng pamahalaan.

"Ito ay mas mababa kaysa sa naitala noong Agosto 2021 na nasa 44.23 million at  mas mataas naman kumpara noong Hulyo 2021 na nasa 41.67 million."

Naitatala ang mga nabanggit kahit dahan-dahang nagluluwag ang ekonomiya at nagbubukas ang mas maraming establisyamento sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Miyerkules lang nang maitala ng Department of Health ang nasa 1,591 bagong COVID-19 cases, ang pinakamababa sa nakalipas na 252 araw.

Ngayong araw naman lang din nang opisyal na tanggalin ang curfew hours sa lahat ng lungsod at bayan sa Metro Manila, na labis pang nagluluwag sa pagkilos ng taumbayan para na rin kumportableng makauwi ang mga mall goers at mga empleyado nito.

Kasabay nito, pinatataas na rin ang kapasidad sa mga pampublikong transportasyon mula 70-100% at niluluwagan ang mga restrictions sa mga tourist destinations na siyang magtitiyak nang mas mataas na kita sa mga nagtratrabaho.

Employed pero hindi makapasok dumami

Sa kabila ng mga naturang pagluluwag sa ekonomiya, nakapagtala ang PSA ng pagdami ng mga hindi nakakapasok sa trabaho o hindi makapagnegosyo kumpara noong nakaraang tatlong buwan.

"Bahagyang mas mataas ang porsyento ng mga employed ngunit hindi nakapasok sa trabaho o nakapagnegosyo mula 0.9% noong Agosot 2021, tumaas sa 1.5% noong Setyembre 2021," paliwanag pa ng PSA.

Ilan sa mga nakikitang dahilan kung bakit ito nangyayari ang:

  • ECQ/lockdown/COVID-19 pandemic (28.1%)
  • variable working time/nature of work (22.7%)
  • personal/family reasons (10.7%)
  • poor business condition (10.3%)
  • health/medical limitations (9.7%)
  • bad weather/natural disaster (5.6%)

Nitong Oktubre lang nang ituloy ng mga negosyo at Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion ang lalo pang pagluluwag ng Metro Manila patungong Alert Level 2. Sang-ayon din naman dito ang OCTA Research Group ngunit mananatili sa Alert Level 3 ang punong rehiyon hanggang ika-14 ng Nobyembre.

Aabot na sa 2.79 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa DOH kahapon. Sa bilang na ito, patay na ang 43,586 katao.

Show comments