DepEd: Pilot run ng face-to-face classes sa public schools ‘all set’ na sa Nobyembre 15

Staff of Dagat Dagatan Elementary School in Navotas City prepare the classroom and other materials needed on Sept. 16, 2021 once the government allows the resumption of face-to-face classes.
The STAR / Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na handang-handa na sila para sa pilot implementation ng limited face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan na nasa mga lugar na low risk na sa COVID-19.

Sinabi ni Briones na nakumpleto na nila ang 100 public schools na lalahok sa pilot run na sisimulan sa Nobyembre 15.

Inaasahan nilang sa Nobyembre 12 ay makukumpleto na at maisasapubliko na rin nila ang listahan ng 20 pribadong paaralan na lalahok din sa naturang dry run

Ayon kay Education Assistant Secretary Malcolm Garma, mayroon nang 57 private schools na natukoy ang DepEd.

Sa ilalim ng guidelines, tanging mga vaccinated school personnel lamang ang pinapayagang lumahok sa limited face-to-face classes.

Ang mga paaralan sa Metro Manila, na nakitaan ng mas mababang COVID infections sa mga nakalipas na linggo, ay maaaring magdaos ng in-person classes matapos ang pilot phase.

Nilinaw rin ni Briones na ipagpapatuloy rin ng mga paaralan ang pagpapairal ng distance learning modalities, gaya nang paggamit ng printed at digital modules, gayundin ang DepEd TV kahit pa tuluyan nang ibalik ang in-person classes.

Show comments