^

Bansa

Marcos-Go tandem sa 2022 'imposible' na; Dela Rosa wala nang atrasan — PDP-Laban

James Relativo - Philstar.com
Marcos-Go tandem sa 2022 'imposible' na; Dela Rosa wala nang atrasan — PDP-Laban
Litrato nina dating Sen. Ferinand "Bongbong" Marcos Jr. (kaliwa), Sen. Christopher "Bong" Go (gitna) at Sen. Ronald "Bato" dela Rosa (kanan)
Philstar.com / File Photo; The STAR/Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines — Malabo nang matuloy ang tambalan nina dating Sen. Bongbong Marcos at Sen. Christopher "Bong" Go sa pagkapangulo at pagkabise presidente sa halalang 2022, lalo na't desidido na raw ang PDP-Laban na si Sen. Ronald "Bato" dela Rosa ang patakbuhin sa pagkapangulo.

Sinabi ito ni PDP-Laban president at Energy Secretary Alfonso Cusi, Biyernes, kahit na sinabi noon si Marcos na "bukas" siyang gawing running mate si Go. Matatandaang naging biro niya noong posible ang "Bongbong-Bong" tandem sa 2022.

"I think that will not happen because we have firmed up already ang pagtakbo po ng tandem ni Bato and Bong Go," wika ni Cusi sa panayam ng CNN Philippines.

"Sa ngayon imposible because we are no longer in touch with them [kampo ni Marcos]."

Kilalang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte at wala pa ring katambal sa pagkabise si Marcos hanggang ngayon. Una raw niyang kinunsidera gawing VP si Digong noong una ngunit "magreretiro" na pala ang huli sa pulitika.

Si Bongbong, anak ng dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos Sr., ay miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas at wala sa roster ng PDP-Laban.

Gayunpaman, aminado si Cusi na nakausap ng kanilang partido ang nakababatang Marcos matapos maghain ni Dela Rosa ng kanyang certificate of candidacy sa pagkapresidente. Wala raw nag-"materialize" sa nasabing pulong.

Dela Rosa: Aatras o hindi?

Ngayong buwan lang nang sabihin ni Dela Rosa na handa siyang umatras sa presidential race kung mapag-isipan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa ilalim ng PDP-Laban para sa parehong posisyon gamit ang substitution. 

'Yan ay kahit na miyembro ang presidential daughter ng regional party na Hugpong ng Pagbabago. Tanging magkakapartido ang pinapayagang mag-substitute sa isa't isa.

Gayunpaman, ika-20 lang nang sabihin ni Cusi na wala sa plano nilang i-substitute si Inday Sara para kay Bato kahit na numero uno sa 2022 presidential surveys ang anak ni Digong.

"As far as PDP is concerned, we have firmed up the [Dela Rosa-Go] tandem at yun ang tinutulak natin ngayon," patuloy ni Cusi kanina.

Una nang sinabi ng grupong Karapatan na "nuisance" candidate lang talaga si Dela Rosa at pinatatakbo lang para maiwasan ang napipintong imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) pagdating sa "crimes against humanity" ng madugong war on drugs nina Duterte.

Si Dela Rosa ay dating hepe ng Philippine National Police, na siyang nanguna sa kampanya kontra droga na kumitil na sa buhay ng 6,191 katao ayon sa latest official figures.

"Straight from the horse’s mouth, Bato’s objective for running for president is clear: to protect himself and President Duterte from the ICC’s investigation as he eyes to continue the same murderous policies such as the sham drug war and the brutal counterinsurgency campaigns," ani Cristina Palabay, secretary general ng Karapatan.

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

CHRISTOPHER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with