Duterte hinihimok na tumakbong senador
MANILA, Philippines — Hinihimok ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi si Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong senador sa eleksiyon sa susunod na taon.
Ayon kay Cusi, makakatulong si Duterte sa pagbabago sa Senado kung tatakbo itong senador pagkatapos ng kanyang termino.
Nauna rito, nais sana ng PDP-Laban na patakbuhing bise presidente si Duterte kasama ang kanyang matagal ng assistant na si Sen. Christopher “Bong”Go.
Pero binawi ni Duterte ang ginawang pagtanggap sa nomimasyon ng partido at inihayag na nais na niyang magretiro sa pulitika. Dahil sa pag-urong ni Duterte si Go ang naghain ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-bise presidente.
Samantala, sinabi rin ni Cusi na si Duterte ang “best campaign manager at best campaign endorser” para manalo ang mga kandidato ng partido sa 2022 elections.
Naniniwala si Cusi na malaki ang tiyansa na manalo si Go at ang si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na kandidato ng PDP-Laban sa pagka-presidente kung maikakampanya ni Duterte.
- Latest