MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,218 bagong infection ng coronavirus disease, Martes, kung kaya't nasa 2,768,849 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- lahat ng kaso: 2,768,849
- nagpapagaling pa: 50,152, o 1.8% ng total infections
- bagong recover: 6,660, dahilan para maging 2,676,349 na lahat ng gumagaling
- kamamatay lang: 271, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 42,348
Quarantine sa Dolomite beach visitors?
-
Ngayong araw naitala ang pinakamaliit na bilang ng bagong nahawaan ng COVID-19 (3,218) sa nakalipas na 158 araw. Huling mas kaonti ang bilang diyan noon pang ika-23 ng Mayo.
-
Pinayuhan naman ng Department of Environment and Natural Resources ang mga bumista sa Dolomite beach sa Maynila nitong Linggo na mag-self quarantine o kaya'y magpa-test para sa COVID-19. Ito'y matapos maitala ang mahigit daanlibong bisita sa lugar noong araw lang na 'yon.
-
Dahil sa mga lapses sa pagpapatupad ng social distancing sa nasabing lugar, sinibak ng DENR ang ground commander ng Manila Bay Task Force na si Jacob Meimban.
-
Inaanunsyo naman ng DOH kanina na maaari nang magpabakuna laban sa COVID-19 ang lahat ng mga edad 12-17 sa buong bansa simula ika-3 ng Nobyembre, may comorbidity man o wala.
-
Nakakuha naman na ng kumpletong COVID-19 doses ang nasa 26.18 milyong katao sa Pilipinas simula nang umarangkada ito nitong Marso. Bahagi lang 'yan ng kabuuang 56.82 milyong bakunang naiturok sa bansa ngayon.
-
Umabot na sa 243.85 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.95 milyong katao.
— James Relativo