MANILA, Philippines (Updated 1:31 p.m.) — Kinumpirma ng Department of Health na maaari nang maturukan laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang lahat ng batang edad 12-17 simula susunod na linggo.
Ito ang kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos matanong ng reporters tungkol sa pahayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., Miyerkules.
"Pfizer and Moderna vaccines will still be used among children during the nationwide rollout," paliwanag ni Vergeire sa isang pahayag."Further details and the guidelines with regard to the nationwide expansion of pediatric vaccination will be released once finalized.
"Dati kasi ay sa Metro Manila lang pinapayagan ang pediatric vaccination sa mga 12-17 years old gamit ang Pfizer at Moderna, na kinakailangang may comorbidity pa o karamdaman.
Aabot sa 12.7 milyon ang populasyon ng mga 12-17 taong gulang, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority ngayong 2021.
Papalo na sa 18,666 menor de edad na may comorbidities ang nakakuha ng kanilang first dose sa National Capital Region sa inisyal na phase ng nasabing vaccination.
Wala pa namang detalye kung saang mga rehiyon, anong mga ospital at pasilidad at kung ilang menor de edad ang target mabakunahan ng gobyerno sa ngayon.
Magpapatuloy pa rin naman ang Phase 3 vaccination ng naturang 12-17 age range sa ika-29 ng Oktubre.Kasalukuyang nagbibigay ng COVID-19 vaccinations sa mga bata ang 28 ospital at pasilidad sa Pilipinas. Inaasahang nasa 40-50 ospital pa ang madadagdag dito ngayong Biyernes, ani Galvez.
Sec. Galvez says we have 28 hospitals receiving children for COVID-19 vaccination in NCR.
This Friday, additional 40-50 hospitals are expected to rollout pediatric vaccination nationwide.— National Task Force Against COVID19 (@ntfcovid19ph) October 27, 2021
Plano nina Galvez na makumpleto ang pagbabakuna sa mga naturang bata pagsapit ng Disyembre habang tinatayang katapusan ng Nobyembre naman ang itinakda para sa mga estudyante't guro.
Patuloy namang ineengganyo ng DOh ang adult population, lalo na 'yung mga senior citizens at may karamdaman na magpabakuna laban sa nasabing virus para maabot ang "cocoon effect" na makakapagbigay din ng proteksyon sa mga bata sa bata.
Sa huling taya ng DOH, umabot na sa 2.76 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Martes. Sa bilang na 'yan, patay na ang 42,077. — James Relativo