ALAMIN: Mga eskwelang kasali sa pilot face-to-face classes simula Nov. 15
MANILA, Philippines — Aabot na sa 90 paaralan mula sa elementarya at hayskul ang kumpirmadong makikilahok sa harapang mga klase sa gitna ng pandemya sa buong Pilipinas matapos mahinto ang mga nabanggit simula 2020 dahil sa COVID-19.
Ito'y batay sa pinakasariwang listahan na inilabas ng Department of Education nitong Lunes, ika-25 ng Oktubre.
"Binibigyang-diin namin na mahigpit na mga paghahanda at protocols ang binuo upang makapagbigay ng kabuuang proteksyon para sa ating mga mag-aaral at iba pang mga kalahok na stakeholders sa kritikal na pagsasagawang ito. Sa ngayon, nasa 90 na paaralan na ang makikibahagi sa pilot run sa Nobyembre 15," wika ng DepEd, Martes.
"Sa pagbabakuna, nasa 93.2% ng mga guro at mga staff ng mga kalahok na mga paaralan ay nabakunahan na. Nakuha din namin ang pangako ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) upang mabigyang prayoridad ang pagbabakuna ng mga guro."
Luzon
- Longos Elementary School
- Alao-ao Elementary School
- Padaggan Elementary School
- Bicbica Elementary School
- Buanga Elementary School
- Godogod Elementary School
- Dumalneg Elementary School
- San Isidro Elementary School
- Cacafean Elementary School
- San Marcelino National High School
- Burgos Elementary School
- Owaog-Nebloc Elementary School
- Moraza Elementary School
- Belbel Elementary School
- Maguisguis Integrated School
- Nacolcol Integrated School
- Palis Integrated School
- Baliwet Elementary School
- Banawen Elementary School
- Lagmak Elementary School
- Lumutan Elementary School
- Dinigman Elementary School
- Pablo D. Maningas National High School
- Tamulaya Elementary School
- Sinalongan Elementary School
- Gutusan Elementary School
- Mary B. Perpetua National High School
Visayas
- Mayabay Elementary School
- Igsoro Elementary School
- Laserna Integrated School
- Basak Elementary School
- Mahanlud Elementary School
- Cabagdalan Elementary School
- Luyongbaybay Elementary School
- Cañang-Marcelo Luna National High School
- Busay National High School
- Pilar National High School
- Siocon Elementary School
- Palo I Central School
- Bato Central School
- Dolho Elementary School
- Dawo Integrated School
- Macatingog Integrated School
- Mawacat Elementary School
- Pilar National Agricultural High School
- Motiong Central Elementary School
- San Sebastian Central Elementary School
- Clarencio Calagas Memorial School of Fisheries
Mindanao
- Siloh Elementary School
- San Vicente Elementary School
- Manga National High School
- Manga Elementary School
- Lala Elementary School
- Sominot National High School
- Tabina Central Elementary School
- Guipos National High School
- Dalama Central Elementary School
- Babalaya Elementary School
- Napo Elementary School
- Masibay Integrated School
- Tambacon Integrated School
- Marcela T. Mabanta National High School
- Tacub Elementary School
- Clib Primary School
- Nodilla Elementary School
- Zosimo S. Magdadadro National High School
- Paraan Integrated School
- Lower Panansalan Elementary School (Jacinto Extension)
- Maugat Elementary School
- Digaynon Integrated School (Manurigao Extension)
- Paco National High School
- Bato Elementary School
- Nelmida Elementary School
- Ned National High School
- Aspang Elementary School
- Sapao National High School (JHS at SHS)
- Nonoc National High School
- San Jose Elementary School
- Cawilan National High School
- Lakandula National High School
- Lasicam-Perral National High School
- Balite National High School
- Alegria Stand Alone Senior High School
- Capalayan National High School
- Sugbay Elementary School
- Anajawan Elementary School
- Dao Primary School
- Mabuhay Elementary School
- Cabawa Elementary School
Nitong Setyembre lang nang kumpirmahin ni Education Secretary Leonor Briones na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng face-to-face classes sa piling mga eskwelahan sa loob ng mga COVID-19 "low risk areas" sa Pilipinas.
Magpapatupad ang gobyerno ng ilang healthcare protocols para mabawasan ang posibilidad ng naturang nakamamatay na virus sa mga eskwelahan, habang dahan-dahang ibinabalik sa normal ang operasyon ng mga ito — kasama na ang full vaccination ng mga guro, limitadong oras ng harapang pagtuturo at limitadong bilang ng mga estudyanteng maaaring magsabay-sabay sa mga silid.
Una naman nang pinayagan ng Commission on Higher Education ang harapang mga klase sa ilang kolehiyo at unibersidad, na kalakhan ay may kinalaman sa medical courses. — James Relativo at may mga ulat mula kay Christian Deiparine
Maya't mayang ia-update ang pahinang ito tuwing madadagdagan o mababawasan ng mga paaralan ang listahahan
- Latest