Price ceiling giit ipatupad sa pagtaas ng presyo ng pagkain at bilihin

Ayon kay senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno, ang pagtaas sa presyo ng pagkain at iba pang bilihin ay panibagong dagok sa maraming Pilipino na hindi pa nakakabangon sa epekto ng pandemya.
STAR / File

MANILA, Philippines — Kailangang magpatupad ang gobyerno ng price ceiling sa harap ng pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang bilihin upang mapagaan ang pasanin ng publiko, lalo na ang mahihirap na lubhang naapektuhan ng pandemya.

Ayon kay senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno, ang pagtaas sa presyo ng pagkain at iba pang bilihin ay panibagong dagok sa maraming Pilipino na hindi pa nakakabangon sa epekto ng pandemya.

Tinawag din ni Diokno na hindi napapanahon ang pagtaas ng presyo ng bilihin dahil magsisilbi lang itong dagdag na pabigat sa mga Pilipino na hindi pa nakakakita ng trabaho o ibang pagkakakitaan.

“Dagdag pasanin iyan sa mga Pilipino, lalo na para sa napakaraming wala pa ring trabaho o pagkakakitaan dahil sa pandemya,” wika ni Diokno, ang pinuno ng Free Legal Assistance Group (FLAG) na nagbibigay ng libreng tulong legal sa mga biktima ng pang-aabuso at mahihirap na Pilipino.

Bilang bahagi ng kanyang layuning tulungan ang mga kababayan ngayong pandemya, nagtatag si Diokno ng libreng legal help desk para matugunan ang problemang legal ng mahihirap na Pilipino na walang pambayad sa abogado.

Show comments