^

Bansa

'Booster,' ika-3 COVID-19 vaccine dose ng ilang sektor malapit nang payagan

James Relativo - Philstar.com
'Booster,' ika-3 COVID-19 vaccine dose ng ilang sektor malapit nang payagan
A teenage boy (R) receives the Pfizer vaccine against Covid-19 at a sports complex in Marikina, suburban Manila on October 22, 2021, after the national government expanded its innoculation program against Covid-19 to children with comorbidities aged 12-17.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Pahihintulutan na ng Department of Health (DOH) ang paglarga ng mga COVID-19 vaccine booster shots at ikatlong dose sa Pilipinas, ngunit aantayin pa rin ng kagawaran ang emergency authorization na siyang ilalabas ng Food and Drug Administration (FDA).

Ang naturang balita ay kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media forum, Lunes.

"So [Health Secretary Francisco Duque III] has approved the recommendations of HTAC... We will have these third doses for our immunocompromised, senior citizens and our boosters for our healthcare workers," ani Vergeire kanina.

"Pero kailangan po, aantayin po natin lahat, 'yung emergency use authority (EUA) from our Food and Drug Administration. Kaya antabayanan lang po natin."

Ang naturang pag-aapruba ay dulot ng rekomendasyong inihain sa DOH ng Health Technology Assessment Council (HTAC) sa isang liham na pinetsahang ika-13 ng Oktubre.

Ilan sa mga inihaing rekomendasyon ay ang:

Boosters

  • healthcare workers (simula 4th quarter ng 2021)
  • eligible priority groups (simula 2022)

Ikatlo/dagdag na dose

  • immunocompromised individuals (simula 2021 at 2022)

Dagdag ng HTAC, mainam na isagawa ito oras na magkaroon ng sapat na suplay ng COVID-19 vaccines sa bansa, maliban pa sa katanggap-tanggap na masasaklaw ng primary vaccination.

Una nang naglabas ng rekomendasyon ang World Health Organization (WHO) pagdating sa pasgbibigay ng karagdagang COVID-19 vaccine shots sa mga senior citizens at may mga comorbidities na siyang magpapalakas sa kanilang proteksyon laban sa nakamamatay na COVID-19.

"But while we are waiting for the EUA, we are already planning and discussing on how we could go about with the implementation," dagdag ng DOH official.

EUA ia-apply mismo ng DOH

Pagdating sa aplikasyon para marebisa ang EUA ng mga pinahihintulutang COVID-19 vaccines sa Pilipinas, sinabi ng DOH na sila na mismo ang maghahain nito sa FDA.

"So nakapagpadala na po tayo ng inisyal na sulat sa FDA on our intent to apply for this [EUA]," patuloy ni Vergeire kanina.

"Ngayon po, [kinukumpleto] po natin ang mga documents, requirements, para sa FDA, kasama riyan 'yung mga evidences to support that these kinds of practices, katulad ng third doses or boosters, are safe and is going to be effective for the population."

Kinukumpleto na lang daw nila ang mga kulang pang rekisitos para agad na masimulan ang pagtuturok ng mga naturang karagdagang gamot oras na makapaglabas ng EUA.

Pinipinal pa naman sa ngayon sa pamamagitan ng mga diskusyon sa mga eksperto kung anu-anong brands ang a-applyan ng DOH ng EUA.

Sa huling taya ng kagawaran nitong Linggo, umabot na sa 2.75 ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Patay na ang 41,793 sa bilang na 'yan. — may mga ulat mula News5

BOOSTER SHOT

COVID-19 VACCINES

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with