Halloween, Christmas parties pampamilya lang - DOH

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang mass gatherings sa bansa ngunit kung ang pagdiriwang ay sa ‘bubble’ lamang ng pamilya ito ay pinapayagan naman nila, basta’t naipatutupad ng maayos ang umiiral na mga health protocols.
Andy Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na gawing pampamilya lamang ang paggunita ng Undas at pagdiriwang ng Pasko.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang mass gatherings sa bansa ngunit kung ang pagdiriwang ay sa ‘bubble’ lamang ng pamilya ito ay pinapayagan naman nila, basta’t naipatutupad ng maayos ang umiiral na mga health protocols.

Sinabi pa ni Vergeire na dapat ding patuloy na umiwas ang publiko sa mga lugar na tinaguriang 3Cs o yaong closed, crowded at close-contact places dahil sa mga ito makukuha ang impeksiyon.

Marapat aniyang obserbahan ang health protocols sa mga outdoor gatherings.

Kung nakakaramdam na ng mga sintomas ng COVID-19 ay mas maka­bubuting huwag nang dumalo sa pagtitipon.

Maging ang mga political aspirants ay pinaalalahanan din na mag-obserba ng safety protocols sa kanilang campaign events.

Show comments