Pinakamabilis na proseso ng botohan, inirekomenda ng DOH

Ang rekomendasyon ng DOH ay upang maiwasan ang posibleng hawaan ng COVID-19 sa mga polling precincts sa iba’t ibang panig ng bansa.
STAR/ FIle

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng Department of Health (DOH) na magpatupad ang pamahalaan ng pinakamabilis na pro­seso ng botohan sa da­ating na May 2022 national and local elections.

Ang rekomendasyon ng DOH ay upang maiwasan ang posibleng hawaan ng COVID-19 sa mga polling precincts sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung mabilis ang magiging botohan ay hindi magkakaroon nang pagtitipun-tipon sa loob ng mga polling areas at maiiwasan ang hawaan ng virus.

“‘Pag tingnan po natin, based on the cha­racteristics ng virus, ang sinasabi magkakaroon ka ng close contact na definition kapag ikaw ay na-exposed sa isang tao ng 15 minutes or less,” ayon kay Vergeire.

Sinabi ni Vergeire, mahalaga ang bawat minuto na hindi mag-stay sa presinto ang bawat botante.

“Kaya ang atin pong rekomendasyon pagka ganito, soonest time possible. Pinakamabilis na proseso dapat, hindi dapat nagko-congregate, dapat mabilis ang proseso, maayos so hindi magka-crowd ang mga tao kapag nangyari,” anang opisyal.

Kahapon ay isang voting simulation ang idinaos ng Commission on Elections (Comelec) sa San Juan City kahapon, bilang bahagi nang paghahanda para sa kauna-unahang national elections na idaraos sa bansa, kahit na may pandemya ng COVID-19.

Layunin ng aktibidad na matukoy ang ave­rage time frame sa verification process ng voter identity sa Election Day Computerized Voting List base, na may 800 registered voters per clustered precinct.

Show comments