Pagbangon ng mga manggagawa mula sa pandemya, inaasahan
MANILA, Philippines — Kumpiyansa si senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno na maaabot ang kinakailangang tagumpay na magbibigay-daan sa muling pagbangon ng mga manggagawang Pilipino mula sa pandemya.
Kabilang si Diokno sa senatorial slate ni presidential candidate Vice President Leni Robredo para sa halalan sa susunod na taon.
Ayon kay Diokno, isa ang #All4Leni sa mga nagbibigay sa kanya ng lakas, inspirasyon at dahilan para magpursiging lumaban, sa kabila ng mga hamon na kinakaharap ng mga Pilipino ngayong panahon ng pandemya, lalo na sa hanay ng ating manggagawa.
Si Diokno ang pinuno ng Free Legal Assistance Group (FLAG), na nagbibigay ng libreng tulong legal sa mga biktima ng pang-aabuso at mahihirap na Pilipino.
Ngayong pandemya, nagbukas siya ng libreng legal help desk para matugunan ang mga problemang legal ng mahihirap na Pilipino na walang kakayahang magbayad ng abogado.
- Latest