MANILA, Philippines — Magkakaroon ng panibagong running mate ang progresibong presidentiable na si Ka Leody de Guzman — sa pagkakataong ito, makakatambalan niya sa pagkabise ang aktibista't akademiko na si Walden Bello.
Si Bello ay magiging katambalan ni De Guzman matapos niyang maghain ng substitution kay Partido Lakas ng Masa vice presidential candidate Raquel Castillo.
"Laban ng Masa Chairperson Walden Bello officially filed his papers to run for Vice President through an authorized representative in Manila today," ayon sa pahayag ng Laban ng Masa, Miyerkules.
"Bello, a former member of the House of Representatives, is an internationally renowned expert in development and economics and a legendary activist against the dictatorship of Ferdinand Marcos."
ACTIVIST ACADEMIC @WaldenBello RUNS FOR VP, SEALS HISTORIC TANDEM WITH @LeodyManggagawa
— Laban ng Masa #BagongPulitika (@LabanNgMasa) October 20, 2021
Full statement:https://t.co/CxZkPo6mFq pic.twitter.com/IGVCwF7BN4
Ipinangangako nina De Guzman at Bello ang pagtutulak ng komprehensibong agenda, hindi lang sa pagpapalit ng mga nakaupo sa poder, kundi para na rin sa "systemic change."
Dating chairperson ng Committee on Overseas Workers' Affairs si Bello mula 2010 hanggang 2015, dahilan para maisulong ang mga kapakanan ng overseas Filipino workers at pagsasaklolo sa kanila noong Syrian civil war.
'Isa sa nagpangalan ng West Philippine Sea'
"Walden filed the original resolution which renamed the South China Sea 'West Philippine Sea,' and succeeded where Rodrigo Duterte shamefully retreated —leading a congressional mission and flag ceremony in the Spratlys in defiance of China," dagdag ng Laban ng Masa.
"He is also a firm critic of the military alliance imposed by the US on the Philippines and helped to forge Laban ng Masa’s stance of opposing all imperial incursions in the region in favor of a global commons-based approach."
Isa si Bello sa mga nag-akda ng mga batas gaya ng:
- Reproductive Health Act of 2013
- Comprehensive Agrarian Reform Program Extension Act of 2009
- Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013
Ang huli ang dahilan kung bakit nakakapagbigay ng danyos perwisyos sa libu-libong biktima ng diktadura ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, bagay na kinukuha mula sa mga nakaw na yaman ng huli mula sa kanilang Swiss bank accounts.
"I have no other choice but to enter this fight against the greatest peril the country faces today, the Marcos-Duterte Axis of Evil," paliwanag ni Bello sa kanyang paghahain ng kandidatura.
Dating kapanalig ng Liberal Party
Dating kinatawan ng Akbayan party-list si Bello, na siyang kilalang kaalyado ng Liberal Party at dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.
Si Bello lang ang nag-iisang House solon na nagbitiw sa pwesto noong Marso 2015.
Nag-resign sa posisyon ang nasabing VP candidate sa dahilang hindi na niya masusupportahan ang mga Aquino.
Ang mga Aquino at Liberal Party ay kilalang kaalyado ni Bise Presidente Leni Robredo, na tumatakbo naman sa pagkapangulo sa 2022.
Bagama't kinikilala ng mga kanyang supporter si Bello bilang bahagi ng Kaliwa, kilalang kritiko si Walden ng pambansang demokratikong kilusan at ng Communist Party of the Philippines-New People's Army.