Binawian ng buhay sa COVID-19 sa Pilipinas pumalo na sa 40,761
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 6,943 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Lunes, kung kaya't nasa 2.72 milyon na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- Lahat ng kaso: 2,727,286
- Nagpapagaling pa: 68,832, o 2.5% ng total infections
- Kagagaling lang: 19,687 dahilan para maging 2,617,693 na lahat ng gumagaling
- Kamamatay lang: 86, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 40,761
Halos 13,000 COVID-19 vaccines nasayang
-
Kinastigo ng DOH ang ipinatutupad na "no vaccine, no salary" policy na ipinatutupad ng ilang employers sa kanilang mga tauhan. Ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pa ring batas na nag-oobliga sa mga taong bigyan nito at hindi dapat gawin sa trabaho.
-
Lumundag naman ng 633 ang dami ng mas nakahahawang Delta variant COVID-19 cases sa bansa, bagay na nagpapalobo ng datos sa 4,431 infections.
-
Paonti naman na nang paonti ang mga namamatay sa COVID-19 sa Pilipinas matapos nitong maabot ang rurok nitong Agosto, patuloy pa ng gobyerno.
-
Apat na menor de edad na ang nakararanas ng side-effects mula sa COVID-19 vaccines matapos itong iturok sa mga 12-anyos pataas simula Biyernes, dagdag ni Vergeire. Gayunapaman, hindi pa raw ito ang opisyal na datos.
-
Nasa 12,970 na sumatutal ang nasasayang na doses ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas sa ngayon, kalakhan dahil sa temperature "excursions" at problema sa transportasyon, dagdag pa ng Kagawaran ng Kalusugan kanina. Ang ilang gamot sa Cotabato at Ilocos Norte, nadamay pa sa sunog.
-
Nadagdagan naman ng 200,000 pang doses Pfizer COVID-19 vaccines ang suplay ng bansa matapos lumapag ang eroplanong nagdala nito sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City nitong Biyernes. PInatatalon nito ang kabuuang vaccine suplay ng Pilipinas sa 2.29 milyon.
-
Umabot na sa 24.3 milyon ang nakakukumpleto ng COVID-19 vaccine doses sa Pilipinas. Bahagi lang 'yan, 52.3 milyong gamot na naituturok na sa bansa sa ngayon.
-
Sumampa na sa 239.43 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.87 milyong katao.
— James Relativo
- Latest