MANILA, Philippines — Kailangang magdala ng payong o kapote o anumang pananggalang sa ulan ang publiko na lalabas sa kanilang bahay.
Ito ay dahil pumasok na sa ating bansa ang La Niña phenomenon o ang panahon na mas marami ang ulan.
Ayon sa PagAsa, sa panahong ito ay asahan na ang above normal rainfull conditions mula Oktubre 2021 hanggang March 2022.
Inaasahan ding may apat hanggang 6 na bagyo ang maaaring pumasok sa ating bansa.
Sinasabing ang silangang bahagi ng ating bansa na palagiang pinapasok ng maulang panahon ang posibleng higit na maapektuhan ng La Niña.
Ayon pa sa PagAsa, nasa panahon ngayon ng transition period na unti-unting kumakawala ang hanging habagat at inaasahang papasok na ang hanging amihan o ang malamig na panahon na palagiang nararansan kapag malapit na ang panahon ng Kapaskuhan.