Robredo ibinulgar 11 pambato sa pagkasenador sa 2022
MANILA, Philippines — Inilabas na ni Bise Presidente Leni Robredo ang listahan ng mga kakandidato sa pagkasenador sa darating na halalan sa susunod na taon.
Una nang pinangalanan ng ikalawang pangulo sina Sen. Risa Hontiveros, Sen. Leila De Lima, dating Sen. Antonio Trillanes IV, dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat at human rights lawyer na si Chel Diokno bilang parte ng slate nila ni vice presidentiable Sen. Francis "Kiko" Pangilinan.
Gayunpaman, nadagdagdagan pa ang inisyal na listahan. Diyan diyan, ito na sila lahat:
- Hontiveros
- De Lima
- Trillanes
- Baguilat
- Diokno
- abogadong si Alex Lacson
- Sen. Richard "Dick" Gordon
- Sorsogon Gov. Chiz Escudero
- Senate Majority Leader Migz Zubiri
- Sen. Joel Villanueva
- dating Bise Presidente Jejomar Binay
Sina Lacson, Gordon, Zubiri, Escudero, Villanueva at Binay ay ngayong Biyernes lang inanunsyo sa Quezon City Reception House bilang bahagi ng slate.
"As an independent candidate, I am thankful to be included in Vice President Leni Robredo’s senatorial slate for the 2022 elections," wika ni Zubiri sa isang pahayag kanina.
"I still remain an independent candidate—at the end of the day, ang loyalty ko po ay sa taumbayan, hindi sa anumang partido. But as a team player, I am willing and able to work alongside anyone who shares in our goal of serving the Filipino people first. Muli, maraming salamat sa kanilang tiwala."
Pinasalamatan naman ni Zubiri si Robredo sa kanyang pagkakasama sa kanilang slate. Parehong nasa slate ng presidentiables na sina Robredo at Sen. Panfilo Lacson sina Zubiri at Binay. Sa katotohanan, parte rin ng senatorial lineup nina Sen. Manny Pacquiao sina Binay at Escudero.
Kawalan nina Colmenares, Matula sa listahan
Miyerkules lang sabihin ni Baguilat na nakikipag-usap din ang kampo nina Robredo sa mga progresibong senatoriables gaya nina Makabayan candidate Neri Colmanares at Federation of Free Workers president Sonny Matula.
"Vice President Leni Robredo’s decision on who to include in her senatorial slate is her prerogative as the Presidential candidate," wika ni Colmenares sa isang tweet pagdating sa naturang isyu kanina.
"My non-inclusion in her slate at this time is based on what she thinks is best for the interest of her candidacy."
Vice President Leni Robredo’s decision on who to include in her senatorial slate is her prerogative as the Presidential candidate. My non-inclusion in her slate at this time is based on what she thinks is best for the interest of her candidacy. (1/5)
— Neri Colmenares (@ColmenaresPH) October 15, 2021
Sa kabila nito, nagpasalamat naman si Colmenares sa pagkakasama niya sa senatorial slate ng 1Sambayan nina dating Associate Justice Antonio Carpio.
"My resolve to run for the Senate is based on the need to give the poor and marginalized a strong voice in the legislature. We in Makabayan have always relied on the support of various groups and the people for progressive and pro-people independent candidates like me," wika pa niya. — James Relativo at may mga ulat mula kina Xave Gregorio at Bella Perez-Rubio
- Latest