Simula ng makabagong transportasyon at personal na mobilisasyon

Ang Aisin Corporation ay may slogan na "We Touch the Future" na sumasalamin sa diwa at determinasyon sa patuloy na pagbuo ng mga bagong ideya at patakaran na ayon sa pilosopiya ng naturang kumpanya.   
Photo Release

MANILA, Philippines — Tinatayang limang dekada na ang nakaraan noong humiwalay ang Aisin-Warner (AW) sa kanyang mother company na Aisin Seiki Co. Limited upang magpakadalubhasa sa paggawa ng automatic transmission para sa mga sasakyan. Ngunit nitong nakaraang Abril lamang, ang AW ay muling umanib sa Aisin Seiki upang itatag ang Aisin Corporation.

Ang dating presidente at kasalukuyang vice-chairman ng kumpanya na si Kiyotaka Ise ay naniniwala sa halos tiyak na pagka-phase out ng automatic transmission sa hinaharap. Ito aniya ay dahil patungo na sa malawakang paggamit ng electric vehicles (EV)—na hindi gumagamit ng conventional transmission—ang direksyong tinatahak ng transporation industry.

Ang pag-shift na ito sa EV ay hindi maiiwasan, lalo na kung ang layon ay makamit ang carbon neutrality. Nagsanib ang dalawang nasabing kumpanya upang maiwasan sa industriya ang duplikasyon sa gawaing pang-negosyo, nang sa gayon ay maging mas efficient ang operasyon.  

Tanglaw ng inspirasyon at direksyon

Ang Aisin Corporation logo ay dinisenyo upang isagisag ang pilosopiyang "Inspiring movement, inspiring tomorrow." Ang malaki at bilog na tuktok ng typeface ay kumakatawan sa pagkakaisa habang ang disenyo ay kumakatawan naman sa lahat ng mga kumpanya sa ilalim ng AISIN Group na nagtutulungan sa pagkamit ng kanilang mahahalagang layunin.

Ang korte ng mga letra ng logo ay sumasalamin sa mithiin ng kumpanya: kaligayahan at kagandahan para sa hinaharap. Ang italic text at streamlined accents ay simusimbolo sa lakas at pagpupursigi ng mga empleyado sa pagkamit nila ng kanilang mga pangarap, gayundin ang pagbibigay-ambag sa adhikaing makalikha ng mas maliwanag na kinabukasan.

Ang packaging ng bawat Aisin product ay hango sa parehong konsepto. May isa itong tatsulok na sumasagisag sa Aisin Group bilang puno ng ibang mga subsidiary. Ang bahagyang nakakubling tatlong titik A sa likod nito ay simbolo ng tatlong subsidiaries: Aisin Corp., ADVICS (Advanced Intelligent Brake Systems) at ART (ARTMetal Manufacturing Company Limited).

Abot-kamay na hinaharap

Ang slogan na "We Touch the Future" ay sumasalamin sa diwa at determinasyon sa patuloy na pagbuo ng mga bagong ideya at patakaran na ayon sa pilosopiya ng kumpanya.                                                      

Ang "We" ay tumutukoy sa buong AISIN Group na pinagbuklod ng mga pangarap at hangarin ng bawat empleyado upang lumikha ng ligtas at komportableng kinabukasan para sa lahat.

Ang "Touch" ay nagpapahiwatig ng layunin ng kumpanya na laging maghangad ng kagandahan para sa ating kinabukasan at ang determinasyon panghawakan ito sa pamamagitan ng positibong aksyon.

Show comments