^

Bansa

Duterte pinatuturukan 'habang tulog' mga ayaw pa rin sa COVID-19 vaccine

James Relativo - Philstar.com

MANILA, Philippines — May "solusyon" na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga patuloy pa ring nag-aalinlangan sa pagpapabakuna laban sa nakamamatay na COVID-19 — tusukin sila habang logtu.

Dati nang problema ng Pilipinas ang vaccine hesistancy at "antivaxxers" lalo na't 43% lang ng mga Pilipino ang game magpabakuna laban sa COVID-19, ayon sa Pulse Asia survey na nilabas nitong Hulyo. Nitong Pebrero, 16% lang ang nagsabing magpapaturok sila. 

"'Yan ang problema, 'yung ayaw magpabakuna." Kaya hanapin ninyo 'yan sa barangay niyo, akyatin natin 'pag tulog at tusukin natin ang natutulog para makumpleto 'yung storya," wika ni Digong sa kanyang talumpati na inere ngayong Martes sa state media.

"Eh kung ayaw 'di akyatin sa bahay, tusukin natin sa gabi. Ako ang mag-ano, I will lead the journey."

 

 

Ito ang sinabi ng presidente kahit na dati nang sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi required ang COVID-19 vaccinations para payagang magtrabaho.

Gayunpaman, ilang beses na ring sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na may "police power" ang estado para bakunahan ang mga tao nang sapilitan kung kakailanganin.

Hindi pa sinasagot ng DOH ang tanong ng media kung ethical ba o tama na turukan ng COVID-19 vaccines ang mga nagdadalawang-isip pa habang tulog. Sa pagpapabakuna naman ng mga taong gising sa mga vaccination center, kailangan ng pirma nila at consent bago maturukan.

"Since the beginning, it has always been centered on one important factor, and that is really the vaccine. Meron tayong bakuna, marami nang dumating," dagdag pa ni Duterte.

"Pasalamat tayo kay [vaccine czar] Secretary [Carlito] Galvez dahil we make use of that so that we can help the country and our fellow human beings."

Teka, hindi ba trespassing 'yon?

Labag sa Article 280 at Article 281 ng Revised Penal Code ang trespassing o sapilitang pagpasok sa ari-arian o bahay ng isang tao nang walang pahintulot. Meron itong kaakibat na parusang hanggang anim na buwan na pagkakakulong (arresto mayor), maliban pa sa multa.

Art. 280. Qualified trespass to dwelling. — Any private person who shall enter the dwelling of another against the latter's will shall be punished by arresto mayor and a fine not exceeding 1,000 pesos. If the offense be committed by means of violence or intimidation, the penalty shall be prision correccional in its medium and maximum periods and a fine not exceeding 1,000 pesos.

Pwede lang ang pagpasok sa ari-arian ng iba na walang pahintulot kung ginawa ito para pigilan ang mga "seryosong" kapinsalaan sa taong nasa bahay, mga nakatira roon o iba pang nasa loob. 

"[Nor] shall it be applicable to any person who shall enter a dwelling for the purpose of rendering some service to humanity or justice, nor to anyone who shall enter cafes, taverns, inn and other public houses, while the same are open."

COVID-19 VACCINES

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with