MANILA, Philippines — Lalo pang nag-ibayo ang lakas ng bagyong "Maring" habang kumikilos ito pakanluran sa Babuyan Islands, ulat ng state weather bureau.
Ayon sa ung PAGASA, Namataan ang mata ng Severe Tropical Storm Maring 240 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan bandang 10 a.m. ngayong Lunes.
- Lakas ng hangin: 95 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso: aabot sa 115 kilometro kada oras
- Direksyon: pakanluran
- Bilis ng kilos: 15 kilometro kada oras
"Today, moderate to heavy with at times intense rains are highly likely over Batanes, Cagayan including Babuyan Islands, Cordillera Administrative Region, and Ilocos Region," wika ng PAGASA kanina.
"Light to moderate with at times heavy rains are also possible over Central Luzon and the rest of Cagayan Valley."
Posible ang mga kalat-kalat na flash floods at pagguho ng lupa sa mga lugar na "highly susceptible" sa ganitong mga pangyayari batay sa hazard maps.
Kaugnay ng pagtindi ng bagyo, itataas ang sumusunod na Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS):
Signal no. 2
- Batanes
- Cagayan kasama ang Babuyan Islands
- hilagang bahagi ng Isabela (Palanan, Divilacan, Maconacon, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Quirino, Gamu, Roxas, Mallig, Quezon)
- Apayao
- Kalinga
- Mountain Province
- Abra
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
Iiral o umiiral na ang mapaminsalang gale-force hanggang storm-force winds sa mga naturang lugar sa susunod na 24 oras.
Signal no. 1
- nalalabing bahagi ng Isabela
- Nueva Vizcaya
- Quirino
- Ifugao
- Benguet
- La Union
- Pangasinan
- Aurora
- Nueva Ecija
- Tarlac
- Zambales
- Pampanga
- Bulacan
- hilagang bahagi ng Bataan (Samal, Morong, Dinalupihan, Abucay, Orani, Hermosa)
- hilagang bahagi ng Quezon (General Nakar, Infanta) kasama ang Polillo Islands
- Calaguas Islands
Iiral o umiiral na ang malalakas na hangin sa mga nabanggit sa itaas sa susunod na 36 oras.
"This tropical cyclone may reach typhoon category tomorrow afternoon or evening over the West Philippine Sea," patuloy ng gobyerno.
"The possibility of landfall over mainland northern Cagayan or a close approach over Batanes is not yet ruled out."
Tinatayang lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo bukas ng umaga. — James Relativo