^

Bansa

Bong Go: Tandem nila ni ‘Bato’ desisyon ng partido

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magiging running mate ni vice presidential aspirant Senator Christopher “Bong” Go si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na kakandidato namang pangulo sa 2022 national elections matapos maghain ng Certificate of Candidacy sa Sofitel Harbor Garden Tent sa Pasay City noong Biyernes.

Sinabi ni Go na nagdesisyon ang PDP-Laban na isabak si Senator Dela Rosa bilang presidential candidate nito, sa pagsasabing ang Bato-Go tandem ay party decision na siyang titiyak sa continuity ng mga programa at vision ng Duterte administration.

“Desisyon po ‘yon ng partido, and of course more than capable po si Bato bilang isang kandidato, bilang pangulo. Binoto po ‘yon ng tao, pinili rin po ng tao, magkasabay nga po kami,” paliwanag ni Go.

Ayon kay Go, committed sila na maipursige ang positibong pagbabago na nasimulan ni Pangulong Duterte upang mabigyan ng higit na komportableng buhay ang bawat Filipinos, lalo ang mga nanga­ngailangan, mga helpless at hopeless sectors ng lipunan.

Bilang vice presidential aspirant, iginiit ni Go na handa siyang makatrabaho kahit na sinong ihahalal ng taongbayan na bagong pangulo.

Kung mahahalal na pangalawang pangulo, ipagpapatuloy ni Go ang kampanya laban sa korapsyon sa gobyerno, kampanya laban sa kriminalidad at kampanya laban sa ilegal na droga.

“More Build Build Build projects, mga libreng edukasyon, at libreng pagpapagamot, paigtingin pa natin, pagandahin pa natin at tulungan po natin…unahin po natin ‘yung mga mahihirap - ‘yung walang matakbuhan, ‘yung mga helpless, mga hopeless po na mga kababayan natin na umaasa po sa gobyerno,” patuloy niya.

SOFITEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with