^

Bansa

Dela Rosa tatakbo sa pagkapresidente sa 2022, naka-'Hugpong' t-shirt sa Comelec

James Relativo - Philstar.com
Dela Rosa tatakbo sa pagkapresidente sa 2022, naka-'Hugpong' t-shirt sa Comelec
Litrato ni Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa habang hawak ang kanyang COC sa pagkapangulo sa ilalim ng partidong PDP-Laban, ika-8 ng Oktubre, 2021
Released/PDP-Laban Cusi wing

MANILA, Philippines (Updated 6:40 p.m.) — Isa na namang senador ang kakandidato sa pagkapangulo sa 2022, sa pagkakataong ito kapartido ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naghain na kasi ng kanyang certificate of candidacy si Sen. Ronald "Bato" dela Rosa sa Commission on Elections, Biyernes, sa ilalim ng partidong PDP-Laban na pinamumunuan ni Energy Secretary Cusi.

"Ang partido ang nag-decide para tumakbo ako... Tagal na [napagdesisyunan]! Matagal na. Itinatago lang namin, mga diskarte kasi kung maaga kang nagbalita [ng kandidatura], eh wala, titirahin ka agad," sabi ni Dela Rosa nang tanungin ng media ang candidate selection process ng kanilang partido.

"Mag-file ba ako kung hindi ko gusto? Nandito ako para tumakbo bilang pangulo kaya nag-file ako [ng COC]."

Sa kabila nito, kapansin-pansing nakasuot ng Hugpong ng Pagbabago t-shirt si Dela Rosa, na kilalang namuno sa madugong "war on drugs" ni Digong bilang dating hepe ng Philippine National Police.

 

 

Ang Hugpong ng Pagbabago ay regional party na pinamumunuan ni Davao City Sara Duterte-Carpio, anak ng presidente, na siyang numero uno ngayon sa Pulse Asia surveys sa pagkapangulo sa 2022.

Bagama't naghain ng kandidatura si Sara para sa reelection bid sa Davao, pwedeng-pwede pa ring magkaroon ng "substitution" ng mga kandidato ang mga partido pulitikal hanggang ika-15 ng Nobyembre. Dahil dito, suspetya ng ilan ay biglang magiging last minute substitution ang presidential daughter.

"Eh 'di mas maganda [kung mapalitan ako ni Inday Sara]. Pero this is a party decision, this is not my personal decision. Kung ako lang ang masusunod, kung patatakbuhin nila ako, tatakbo pa rin ako," sagot niya sa mga reporters pagdating sa mga espekulasyon ng substitution.

"Hindi [member ng PDP-Laban si Mayor Sara]. I don't know how we will do it kung ganoon ang mangyari [substitution]. I don't know. Basta ako, tatakbo talaga ako para maging presidente."

Matatandaang nakatakbo si Digong sa pagkapangulo noong 2016 matapos maging substitute candidate ni Interior Undersecretary Martin Dino.

Nagsisigaw naman at uminit ang ulo ni Dela Rosa nang matanong kung "mockery" ng eleksyon ang kanilang ginagawa kung mauuwi sa substitution na naman ang presidential bet ng PDP-Laban, habang iginigiit ni Bato na ipinanalo siya noon ng milyun-milyong botante.

"Do I look like a mockery to you? I won as a senator. Number five po ako last na eleksyon... Is that mockery? Is it a mockery to the 19 million Filipinos who voted for me as a senator of this republic?" galit niyang sagot sa isang reporter.

"[Nakakainsulto] naman ng tanong mo," dagdag pa niya pa sa nagtatanong, sunod karipas paalis ng entablado.

2022 NATIONAL ELECTIONS

PDP-LABAN

RONALD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with