MANILA, Philippines — Opisyal nang nag-file ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagkapangulo si Bise Presidente Leni Robredo sa Commission on Elections (Comelec), dahilan para maging pinal ang kanyang desisyong asintahin ang pinakamataas na posisyon sa gobyerno.
Ginawa ito ni Robredo, na tatakbong "independent" sa 2022, sa parehong araw ng kanyang pagdedeklara ng kagustuhang tumakbo sa pagkapresidente, Huwebes.
Related Stories
#COCFiling for the #NLE2022 Day 7: Maria Leonor "Leni" Robredo files COC for President, Independent pic.twitter.com/IoFGZWFy88
— COMELEC (@COMELEC) October 7, 2021
Usap-usapan ngayon na magiging running mate niya sa pagkabise presisente si Sen. Francis "Kiko" Pangilinan.
Former Ifugao Rep. Teddy Baguilat says he will run for senator under Vice President Leni Robredo's slate, taking the slot of Sen. Kiko Pangilinan who will be running as Robredo's vice president @PhilstarNews
— Xave Gregorio (@XaveGregorio) October 7, 2021
Una na siyang inendorso ng oposisyon sa ilalim ng koalisyong 1Sambayan bilang kanilang standard bearer. Sa kabila nito, hindi pa kumpleto kung sinu-sino ang mga senatorial candidates sa ilalim ng kanyang slate.
Magiging bahagi naman ng kanyang senatorial slate si dating Sen. Antonio Trillanes IV, na kilala ring kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
"I am so honored to run as Senator under the slate of our next President @lenirobredo. #LabanLeni2022," ani Trillanes sa isang Tweet kanina.
I am so honored to run as Senator under the slate of our next President @lenirobredo. #LabanLeni2022 pic.twitter.com/2FZTCHbsK7
— Sonny Trillanes IV (@TrillanesSonny) October 7, 2021
Ika-28 lang ng Setyembre nang ilabas ng partido ni Robredo, ang Liberal Party, ang kanilang senatorial line up, bagay na kinapapalooban nina Sen. Leila de Lima at dating Sen. Bam Aquino. Guest candidates naman sa kanila sina Sen. Risa Hontiveros (Akbayan party-list) at Chel Diokno (human rights lawyer).
Wala pa namang anunsyo sa ngayon kung magiging bahagi rin ng opposition 1Sambayan senatorial line up ang kumpletong lineup ng LP. — may mga ulat mula kay Xave Gregorio
Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito