^

Bansa

VP Leni Robredo naghain na ng kandidatura sa pagkapresidente sa Comelec

James Relativo - Philstar.com
VP Leni Robredo naghain na ng kandidatura sa pagkapresidente sa Comelec
Litrato ni Bise Presidente Leni Robredo, ika-7 ng Oktubre, habang inaanunsyo ang pagkandidato sa pagkapanulo sa halalang 2022
Philstar.com/Jazmin Tabuena

MANILA, Philippines — Opisyal nang nag-file ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagkapangulo si Bise Presidente Leni Robredo sa Commission on Elections (Comelec), dahilan para maging pinal ang kanyang desisyong asintahin ang pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Ginawa ito ni Robredo, na tatakbong "independent" sa 2022, sa parehong araw ng kanyang pagdedeklara ng kagustuhang tumakbo sa pagkapresidente, Huwebes.

Usap-usapan ngayon na magiging running mate niya sa pagkabise presisente si Sen. Francis "Kiko" Pangilinan.

Una na siyang inendorso ng oposisyon sa ilalim ng koalisyong 1Sambayan bilang kanilang standard bearer. Sa kabila nito, hindi pa kumpleto kung sinu-sino ang mga senatorial candidates sa ilalim ng kanyang slate.

Magiging bahagi naman ng kanyang senatorial slate si dating Sen. Antonio Trillanes IV, na kilala ring kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"I am so honored to run as Senator under the slate of our next President @lenirobredo. #LabanLeni2022," ani Trillanes sa isang Tweet kanina.

Ika-28 lang ng Setyembre nang ilabas ng partido ni Robredo, ang Liberal Party, ang kanilang senatorial line up, bagay na kinapapalooban nina Sen. Leila de Lima at dating Sen. Bam Aquino. Guest candidates naman sa kanila sina Sen. Risa Hontiveros (Akbayan party-list) at Chel Diokno (human rights lawyer).

Wala pa namang anunsyo sa ngayon kung magiging bahagi rin ng opposition 1Sambayan senatorial line up ang kumpletong lineup ng LP. — may mga ulat mula kay Xave Gregorio

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with