^

Bansa

Kilusang Mayo Uno chair Bong Labog pormal nang 2022 senatorial candidate ng Makabayan

Philstar.com
Kilusang Mayo Uno chair Bong Labog pormal nang 2022 senatorial candidate ng Makabayan
Litrato ni Kilusang Mayo Uno chairperson Elmer "Ka Bong" Labog sa kanyang paghahain ng certificate of candidacy sa pagkasenador sa halalang 2022, ika-6 ng Oktubre, 2021
Released/Anakpawis party-list

MANILA, Philippines — Isang kinatawan naman galing sa sektor ng paggawa ang pormal na naghain ng kanyang kandidatura para sa halalang 2022, na siyang ineendorso ng progresibong Koalisyong Makabayan at Anakpawis party-list.

Naghain na kasi ng kanyang certificate of candidacy para sa pagkasenador si Elmer "Ka Bong" Labog, tagapangulo ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU), Miyerkules ng hapon sa Commission on Elections.

"Ang akin pong plataporma ay ang pagdadala ng mas makatarungan at makatwirang sahod para sa ating manggagawa, ito man ay sa pribado o gobyerno," wika ni Labog habang nagtatalumpati kanina.

"[Kasama niyan] ang pagtiyak sa trabaho para sa lahat, pagtiyak sa kabuhayan at pagrespeto sa karapatan ng manggagawang Pilipino partikular sa ating umiiral na labor laws sa ilalim ng ating Saligang Batas at sa mga international conventions."

Dagdag pa niya, lagi silang naiimbitahan nina Sen. Joel Villanueva, chairperson ng Senate Committee on Labor, at ng Kamara na magsilbing resource person sa tuwing may mga pagdinig pgdating sa sari-saring isyu.

Pero sa ngayon, malinaw daw na hindi na lang sapat na pagsalitain ang uring manggagawa't magsasaka sa piling pagkakataon ngunit magandang isa na sila sa manguna sa pagtakbo ng gobyerno.

"Sa pagkakataong ito po, hindi na lamang po resource person ang aking paninindigan... upang maging bahagi kami ng ating Konggreso at isulong ang interes ng masang Pilipino," dagdag pa niya.

"Ang sahod po na umiiral ay hindi sapat: P537 [lang po] sa Metro Manila, at binabagabag tayo ng maraming problema katulad ng tuloy-tuloy na pagtaas na presyo ng langis... hindi makaagapay ang ating sahod."

Dagdag pa niya, oras na lumabas ka na ng National Capital Region ay mas mababa pa lalo ang minimum wage. Ngayong Enero lang nang huling ihirit ng KMU ang P750 national minimum wage, bagay na dapat daw mapapaspasan ang pagpapasa bilang batas.

Nagpasalamat din si Labog sa Anakpawis party-list, na muling susubok makakuha ng pwesto sa Kamara matapos hindi manalo noong 2019, na siyang kumakatawan sa kalakhan ng mga Filipino marginalized sectors gaya ng mga manggagawa't magsasaka.

Maliban kay Labog, una nang ninomina ng Makabayan si Bayan Muna party-list chairperson Neri Colmenares, na dati na ring tumakbo sa pagkasenador. — James Relativo

2022 NATIONAL ELECTIONS

KILUSANG MAYO UNO

MAKABAYAN COALITION

NERI COLMENARES

WORKER'S RIGHTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with