^

Bansa

Gabriela party-list naghain ng kandidatura sa Comelec para sa 2022, una sa Makabayan

Philstar.com
Gabriela party-list naghain ng kandidatura sa Comelec para sa 2022, una sa Makabayan
Larawan ni Gabriela Rep. Arlene Brosas sa ikaapat na araw ng filing ng certificate of candidacy at certificate of nomination at acceptance of nomination sa Comelec, ika-4 ng Oktubre, 2021
Mula sa Twitter account ng Commission on Elections

MANILA, Philippines (Updated 3:08 p.m.) — Opisyal nang inihain ng isang militanteng grupo ng mga kababaihan ang kanilang nominasyon at pagtanggap ng nominasyon sa pag-asang makasusungkit ng posisyon sa paparating na halalang 2022.

Bandang 10:51 a.m. nang maghain ng kanilang certificate of nomination at acceptance of nomination (CONA) ang Gabriela Women's Party, Lunes, bagay na pinangunahan ni Rep. Arlene Brosas.

"Buong tikas pong iminamarka ng mga kababaihan ngayong araw ang patuloy na paglahok sa labanang elektoral," wika ni Brosas sa kanyang speech kanina.

"Patuloy pong lalaban ang natatanging party-list ng mga kababaihan at Gabriela Women's Party."

Maliban sa "kabastusan" ng ilang nasa kinauukulan, ipinagmalaki rin ng grupo ang kanilang pagtutol sa mga polisiya gaya ng TRAIN Law, kontrobersyal na Anti-Terrorism Law, katiwalian, pagbuhos ng pondo sa "red-tagging" task force na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, atbp.

Maliban kay Brosas, na kasaluyang kinatawan ng Gabriela sa loob ng Kamara, magfi-field ng healthcare worker mula Davao at consumer rights advocate at pride march organizer ang naturang grupo bilang mga nominado.

"Ang pangunahing biktima ng mga lumalalang abuso at walang ampat na taas presyo ng palpak na tugon sa pandemya ng gobyerno ay ang kababaihan," wika pa ni Brosas.

"Wala pong dahilan para manahimik ang mga kababaihan lalo sa panahon ngayon. Kaya't patuloy tayong lalahok sa eleksyong party-list bitbit ang platapormang laban: lipunang kumakalinga sa mamamayan, agrikultura't industriyang maunlad, bayan nanagtataguyod ng mga karapatan ng kababaihan... abot-kayang presyo ng mga bilihin at mga batayang serbisyo, nagkakaisang sambayanan para sa kasarinlan, kalayaan at katarungan."

Kilala ang nasabing grupo bilang takbuhan ng mga inaabusong kababaihang nagsusulong ng kanilang karapatan. Kasapi sila ng Makabayan bloc sa Konggreso na binubuo ng mga progresibo mula sa iba't ibang marginalized sectors.

Muli namang pinabulaanan ng naturang party-list ang mga akusasyon ng NTF-ELCAC pagdating sa "communist links" ng Gabriela lalo na't wala naman daw silang pruweba rito. Umaasa rin ang grupong makapaghihikayat pa ng mas malawak na hanay ng nagkakaisang oposisyon bago ang eleksyon.

Inaasahang maghahain ng kanilang certificates of candidacy sa pagkasenador sina Bayan Muna chair Neri Colmenares at Kilusang Mayo Uno national chairperson Elmer "Bong" Labog sa ilalim ng Makabayan. Gayunpaman, wala pang balita kung kailan isusumite ang kanilang COCs ngayong linggo. — James Relativo

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

GABRIELA WOMEN'S PARTY

MAKABAYAN BLOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with