MANILA, Philippines — Nagsimula na noong Huwebes ng gabi ang pagpapairal ng gun ban sa buong bansa.
Inihayag ito ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Guillermo Eleazar kung saan ang lahat ng Permit to Carry Firearms outside of Residence (PTCFOR) sa buong bansa ay suspendido hanggang alas-7 ng umaga ng October 9.
Ayon kay Eleazar, ang gun ban ay upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang firearm-related incidents sa panahon ng paghahain ng mga kandidato sa 2022 elections ng kanilang mga Certificate of Candidacy (COC).
Tanging mga miyembro ng PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang law enforcement agencies na naka-official duty at nakasuot ng agency-prescribed uniform ang pahihintulutang magdala ng armas sa mga pampublikong lugar.
Dagdag pa ni Eleazar, inatasan niya ang lahat ng mga Police commanders na gawin ang lahat para maipaalam sa kanilang area of responsibility ang pagpapairal ng gun ban upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan sa mga responsible gun owners.