^

Bansa

Filing ng COC larga na!

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Filing ng COC larga na!
Ang paghahain ng COC ay mula Oktubre 1-8 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
STAR/Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Handa na ang Commission on Elections (Comelec) sa pagsisimula ng pagsusumite ng kandidatura o certificate of candidacy (COC) ng mga kandidato sa lokal at nasyunal na posisyon sa 2022 Elections.

Ang paghahain ng COC ay mula Oktubre 1-8 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Para sa mga tatakbo sa pambansang posisyon, isasagawa ang pagsusumite ng COC sa Harbor Garden Tent ng 5-star hotel na Sofitel sa may Pasay City.

Magiging mahigpit ang proseso dahil kailangan munang magpakita ng negatibong COVID-19 antigen test result na hindi lalagpas sa 24 oras ng mga kakanditato.

Bukod sa kanila, lahat ng mga makikilahok tulad ng mga tauhan ng Comelec, security staff, at maging mga media ay kailangan din na magpakita nito.

“For purposes of entry to the tent, the acceptability of the negative test result is for 24hrs. That is, if your test result shows a release time of 2PM the day before, then you may not enter the tent beyond 2PM the following day,” ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez.

Hindi tulad ng mga nakaraang COC filings, pinagsabihan ng Comelec ang mga kandidato na iwasan ang magarbong parada na tila ‘fiesta’ habang kailangan ding limitahan ang bilang ng mga kasama sa dalawa hanggang tatlo lamang.

Sa loob ng tent, hiwalay ang lugar na pagsusu­mitehan ng mga COC at hiwalay rin ang media room para sa media briefing. Kailangan rin na nakasuot palagi ng face mask at face shield habang pananatilihin ang ‘physical distancing’ sa anumang oras.

Dumating na rin kahapon ang mga tauhan ng National Capital Regional Police (NCRPO) na siyang magbibigay ng seguridad sa bisinidad ng Harbor Garden Tent.

COC

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with