Patay sa COVID-19 sa Pilipinas sumampa na sa 37,686

Commuters prepare their face shields as they board an EDSA carousel bus at the Monumento station in Quezon City on Sept. 23, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 13,846 bagong infection ng coronavirus disease, Martes, kung kaya't nasa 2,522,965 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • lahat ng kaso: 2,522,965
  • nagpapagaling pa: 132,139, o 5.2% ng total infections
  • bagong recover: 39,980, dahilan para maging 2,353,140 na lahat ng gumagaling 
  • kamamatay lang: 91, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 37,686

COVID-19 vaccine para sa minors, general population

— James Relativo

Show comments