^

Bansa

SILIPIN: Inisyal na 2022 senatorial lineup ng Liberal Party

James Relativo - Philstar.com
SILIPIN: Inisyal na 2022 senatorial lineup ng Liberal Party
Mga larawan nina Sen. Leila de Lima, Sen. Francis "Kiko Pangilinan at dating Sen. Bam Aquino
The STAR/Geremy Pintolo, File; File; Senate PRIB photo

MANILA, Philippines — Naglabas na ang Liberal Party, dating nangungunang partido sa loob ng gobyerno, pagdating sa pauna nilang listahan ng mga planong patakbuhin sa parating na halalan sa susunod na taon.

Ang nasabing desisyon ay inilabas kaugnay ng ikinasang National Executive Council meeting ng Partido Liberal.

Kasama sa inisyal na nominado ng LP sa 2022 senatorial slate sina:

  • Sen. Francis "Kiko" Pangilinan
  • Sen. Leila de Lima
  • dating Sen. Bam Aquino

Ine-endorso na rin ng LP sa pamamagitan ng isang resolusyon ang kandidatura ng sumusunod bilang kanilang "guest" senatorial candidates:

  • Sen. Risa Hontiveros (Akbayan party-list)
  • Chel Diokno (human rights lawyer)

Si Aquino, na kamuntikang manalo sa pagkasenador noong 2019 sa ika-14 pwesto, ay hindi pa rin naman naglalabas ng pormal na plano sa eleksyon sa susunod na taon.

Si Diokno ay nakasama sa mga pinatakbo ng opposisyon sa pagkasenador sa ilalim ng koalisyong "Otso Diretso" noong 2019 ngunit bigong makakuha ng pwesto sa Senado. Karamihan sa mga tumakbo sa naturang alyansa ay mga miyembro ng LP.

Itinuturing ng LP sina Hontiveros at Diokno bilang mga kandidato labas sa LP na kalinya" nila sa mga prinsipyo at "mapagkakatiwalaang katuwang" sa pagtataguyod ng mga programa sa loob ng gobyerno.

Samantala, lumipat naman sa 2022 senatorial line-up ng partidong Aksyon Demokratiko ang dating Otso Diretso candidate na si Samira Gutoc, sa dahilang kulang pa ang progress sa line-ups ng LP at opposition coalition na 1Sambayan.

Ang Aksyon Demokratiko ay partidong pangungunahan naman nina Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso sa pagkapangulo at doktor na si Willie Ong sa pagkabise presidente.

Nagpasa rin ang LP executive council ng resolusyon na magbibigay ng "full authority" at "discretion" kay Bise Presidente Leni Robredo sa pagsisimula ng mga pag-uusap para makapagbuo ng kasunduan pagdating sa isang united national slate para sa pagkapangulo, pagkabise presidente at pagkasenador sa darating na halalaan.

"[All this] while respecting her preference on the elective position she may decide to run for, if any, with the full support by the Party as a whole," ayon sa Partido Liberal.

Matagal nang usap-usapang tatakbo si Robredo sa pagkapangulo sa 2022, gayunpaman wala pang pinal na anunsyo ang ikalawang pangulo hinggil dito.

"Ready ako tumakbo [sa pagkapresidente] kung sa assessment ay makakatulong iyon sa misyon natin. Pero ready naman akong hindi tumakbo kung sa tingin ko lalong makakaharang iyon. Lalong makakaharang sa pag-ayos natin ng bansa natin," ani Robredo nitong Lunes sa panayam kasama ang Presentation of the Child Jesus Parish Pastoral Council for Responsible Voting.

"So iyong sa akin, sinurrender ko na talaga sa Diyos kasi sa hirap ng… sa hirap ng negotiations, dumadating iyong mga panahon na hindi ko na talaga alam kung ano iyong sunod na gagawin."

Una nang inendorso ng opposition coalition na 1Sambayan si Robredo bilang isa sa mga manok nilang pwedeng patakbuhin bilang standard bearer.

Huwebes lang din nang ianunsyo ng opposition at left-leaning Bayan Muna party-list chairperson Neri Colmenares ang kanyang kandidatura sa pagkasendor. Wala pa namang anunsyo kung maisasama siya sa guest candidates ng LP o 1Sambayan. — may mga ulat mula kay The STAR/Janvic Mateo at ONE News

1SAMBAYAN

2022 NATIONAL ELECTIONS

BAM AQUINO

CHEL DIOKNO

FRANCIS PANGILINAN

LEILA DE LIMA

LIBERAL PARTY

RISA HONTIVEROS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with