Magnitude 5.7 lindol yumanig sa Luzon, Metro Manila
MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang maraming lugar sa Luzon kabilang ang Metro Manila, kahapon ng madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang sentro ng pagyanig sa 018 kilometro silangan ng Looc, Occidental Mindoro.
Ang lindol na tectonic ang pinagmulan ay naramdaman ala-1:12 ng madaling araw ng Lunes.
Bunga nito naramdaman ang Intensity 4 sa Las Piñas City; Malabon City; Mandaluyong City; City of Manila; Marikina City; Muntinlupa City; Parañaque City; San Juan City; Taguig City; Pateros sa Metro Manila; Calatagan, Lian, Lipa City, Malvar at Nasugbu, Batangas; Malolos City at Obando, Bulacan; Cavite City, General Trias City, Naic, Amadeo, Bacoor City, Dasmariñas City, Tagaytay City at Tanza, Cavite; Biñan City at Cabuyao City, Laguna; Abra De Ilog, Looc, Lubang at Mamburao, Occidental Mindoro; Baco, Naujan at Puerto Galera, Oriental Mindoro; San Mateo at Taytay, Rizal.
Intensity 3 naman sa Santo Tomas City, Batangas; Makati City; Pasay City; Pasig City; Quezon City; Valenzuela City; Santa Cruz, Occidental Mindoro; Antipolo City; Socorro, Oriental Mindoro.
Intensity 2 sa Los Baños, Laguna; Palayan City, Nueva Ecija at Intensity I sa Arayat, Pampanga.
Nakapagtala rin ang Phivolcs ng 23 aftershocks.
- Latest