Dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas sumirit na lagpas 2.5 milyon
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 18,449 bagong infection ng coronavirus disease, Lunes, kung kaya't nasa 2,509,177 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- lahat ng kaso: 2,509,177
- nagpapagaling pa: 158,169 o 6.3% ng total infections
- bagong recover: 21,811, dahilan para maging 2,313,412 na lahat ng gumagaling
- kamamatay lang: 93, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 37,494
3 milyong COVID-19 vaccines dumating ng 'Pinas
-
Inilinaw ng Department of Education ang kanilang guidelines pagdating sa pagbabalik ng face-to-face classes sa gitna ng COVID-19 pandemic ngayong araw. Kabilang diyan ay kung sinu-sino ang mga estudyante't gurong pwede at hindi pwedeng sumabak sa harapang mga klase.
-
Nasa 3 milyong doses ng COVID-19 vaccines mula sa kumpanyang Sinovac ang dumating ng Pilipinas nitong Linggo, bagay na daragdag sa suplay ng gamot na magagamit ng gobyerno laban sa pandemya.
-
Papalo na sa 20.3 milyon ang nabibigyan ng kumpletong bakuna laban sa COVID-19 mula sa kabuuan ng 43.93 milyong doses na naiturok na sa mga Pilipinas, ayon sa pinakabagong datos ng DOH.
-
Posibleng manatili lang sa kasalukuyang Alert Level 4 ang Metro Manila sa pagpapatuloy ng pilot implementation ng alert level systems at panibagong granular lockdowns sa Kamaynilaan, ayon sa DOH kanina.
Ito'y kahit nagpapakita na ng 16% pagbaba sa mga kaso kumpara noong nakaraang linggo. Dapat pa rin daw mag-ingat sa mga pagbaba ng mga kaso nitong mga nakaraan dahil sa nakapagtatala ng mas mababang lower laboratory testing output nitong mga huli. -
Ayon naman kay presidential spokesperson Harry Roque kanina, wala pang datos na lumalabas na nagpapakitang maaari nang ibaba sa mas maluwag na Alert Level 3 restrictions ang Metro Manila. Gayunpaman, maaari pa naman daw itong magbago.
-
Umabot na sa 230.41 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.72 milyong katao.
— James Relativo
- Latest