5.7 magnitude na lindol mula Occidental Mindoro 'wala pang pinipinsala'
MANILA, Philippines — Wala pang naitatalang pinsala sa ngayon dulot ng malakas-lakas na lindol na nag-originate mula sa katimugang bahagi ng Luzon.
Lunes ng 1:12 a.m. kasi nang maitala ng Phivolcs ang isang 5.7 magnitude na lindol, na may epicenter na 23 kilometro mula sa Looc, Occidental Mindoro.
#EarthquakePH #EarthquakeOccidentalMindoro#iFelt_OccidentalMindoroEarthquake
— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) September 26, 2021
Earthquake Information No.1
Date and Time: 27 Sep 2021 - 01:12 AM
Magnitude = 5.7
Depth = 074 kilometers
Location = 13.85N, 120.41E - 023 km N 50° E of Looc (Occidental Mindoro)https://t.co/0iLZvI1dmT pic.twitter.com/ffW8JnyG9I
"So far po, no reported damages pa coming from the affected regions," wika ni Mark Timbal, tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kaninang umaga.
Ito ang sinabi ng NDRRMC official kahit na inasasahang magdudulot ng damages ang naturang pagyanig ng lupa.
Ilang aftershocks na rin ang na-record ng mga dalubahasa matapos ang lindol, bagay na nagsanhi nang maraming mas mahihinang paglindol. Ramdam ang pagyanig, na tectonic ang pinagmulan, kahit hanggang Metro Manila.
Kaugnay ng balitang 'yan, naitala ang sumusunod na intensity sa mga sumusunod na lugar:
Intensity V (strong)
- Tagaytay City
- Amadeo, Cavite
Intensity IV (moderately strong)
- Malolos City at Obando, Bulacan
- City of Manila
- Marikina City
- San Mateo, Rizal
- Las Pinas City
- General Trias at Tanza, Cavite
- San Juan City
Intensity III (weak)
- Quezon City
- Pasig City
- Makati City
- City of Antipolo, Rizal
- Valenzuela City
Intensity I (scarcely perceptible)
- Palayan City, Nueva Ecija
"Ongoing assessment po from the [local government unit-Disaster Risk Reduction and Management Office]," patuloy ni Timbal sa isang pahayag. — James Relativo
- Latest