^

Bansa

Non-KBL member na si Bongbong Marcos ninomina sa pagkapresidente sa 2022

James Relativo - Philstar.com
Non-KBL member na si Bongbong Marcos ninomina sa pagkapresidente sa 2022
Mga eksena sa national convention ng Kilusang Bagong Lipunan (kaliwa) at si dating Sen. Bongbong Marcos (kanan)
News5/Dale de Vera; Video grab mula sa News5

MANILA, Philippines — Pormal nang ninomina ng isang grupong pulitikal si dating senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa presidential race sa susunod na taon, kahit hindi na nila ito miyembro sa kanilang partido.

Inanunsyo kasi ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL), partidong itinayo ng amang si Ferdinand Marcos Sr., ang pag-endorso nila kay Bongbong kasabay ng kanilang national convention sa Binangonan, Rizal, Biyernes.

"RESOLVED, AS IT IS HEREBY RESOLVED; to approve the nomination and endorsement of the candidacy of Former Senator Ferdinand Bongbong" Romualdez Marcos, Kr., as the Party's official candidate for the position of President in the National and Local Elections on May 9, 2022," ayon sa Resolution 1, Series of 2021 ng partido ngayong araw.

"RESOLVED FURTHER; to convey to Hon. Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. the Resolution of endorsement and nominatikon for his acceptance and consideration."

Bagama't dating miyembro ng KBL si Bongbong, matatandaang nilisan niya ang partido at lumipat sa Nacionalista Party taong 2009 hanggang sa kasalukuyan. Gayunpaman, maraming kumukuha ng "guest candidates" sa slate ng mga partido sa Pilipinas tuwing eleksyon kahit hindi sila pormal na miyembro ng nasabing political groups.

Isa rin sa mga inanunsyong nominado ng KBL bilang kanilang senatorial candidate ang kontrobersyal na abogadong si Larry Gadon.

Bongbong 'overwhelmed' sa nominasyon

Natuwa naman si Bongbong sa naturang nominasyon, lalo na't ito ang partidong itinayo ng kanyang ama.

"I am of course overwhelmed by the expressions of support and endorsement that you have given me today," wika ng dating senador sa isang video message.

"I hope it is because I have stayed true to the ideals of KBL that has been handed down from my father's time. I hope to continue to achieve that ideal, to achieve that dream, to achieve that vision for our country."

Dagdag pa niya, malapit na raw siyang gumawa ng desisyon pagdating sa kanyang kandidatura sa presidential elections. Aniya, maaari raw kasing magkaroon pa ng mga developments a makaaapekto sa kanyang desisyon.

Maliban diyan, isinasara na niya ang larangan ng pagsabak sa vice presidential candidacy ngayong "lumilinaw" na raw ang lahat sa kanya.

Si Macos Sr. na dating diktador ng republika ng Pilipinas ay idinidikit sa libu-libong human rights violations at nasa Guiness World Records para sa kategoryang "Greatest robbery of a Government" dahil sa pangungupit ng $5-10 milyon—mga pahayag at kasong itinatanggi ng pamilyang Marcos hanggang ngayon.

Matatandaang nahatula namang guilty sa pitong counts ng graft ang kanyang inang si Imelda Marcos noong Nobyembre 2018, bagay na nagmula sa pagtatayo ng mga iba't ibang private foundations sa Switzerland at paghawak ng ilang financial interests sa private sector habang may katungkulan sa gobyerno.

Gayunpaman, nag-e-enjoy ng pansamantalang kalayaan si Imelda matapos niyang maghain ng P300,000 piyansa para sa graft conviction, na magkukulong sana sa kanya ng anim hanggang 11 taon kada count ng graft, bagay na aabot sa 42 taon at pitong buwan hanggang 77 taon. Habambuhay na rin siyang disqualified mula sa public office.

Kasalukuyan namang nagliligkod sa Senado ang kanyang kapatid na si Imee Marcos. — may mga ulat mula sa ONE NEWS

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

FERDINAND MARCOS

KILUSANG BAGONG LIPUNAN

LARRY GADON

NACIONALISTA PARTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with