MANILA, Philippines — Kung kasama ang pagmamaneho ng sasakyan sa iyong pang-araw-araw na buhay, malaki ang pagkakataong gumagamit ka ng Aisin products nang hindi mo nalalaman.
Ang Aisin ang nangungunang Original Equipment Manufacturer (OEM) ng mga pyesang pansasakyan gaya ng makina, drivetrain at langis.
Ebolusyon ng Aisin
Unang itinatag bilang Tokai Koku Kogyo Company Limited, ang kumpanya ay nagumpisa sa paggawa ng makinang pang-eroplano. Hindi naglaon ay gumawa na rin ito ng sewing machines at clutch discs noong 1940s.
Noong 1953, nagpalit ito ng pangalan sa Shinkawa Kogyo Co. Ltd at pinalawak pa ang product line mula oil pump, car doors at bumper jacks. Kalaunan ay umanib ito sa sister company na Aichi Kogyo Co. Ltd. noong 1965 at binuo ang Aisin Seiki Co. Ltd. Nagpatuloy ito sa paggawa ng mga manifolds, pistons at mga semi-automatic transmission.
Sa pagtatapos ng dekada 60, nakipagsosyo ang Aisin Seiki sa American company na Borg-Warner upang maitatag ang Aisin-Warner Limited. Ang bagong kumpanya ay naging tanyag sa paggawa ng automatic transmission. Noong Abril 2021, isinanib ito sa Aisin Seiki para mabuo ang Aisin Corporation.
Ang Aisin ay kasalukuyang miyembro ng Toyota Group of Companies at kinikilala bilang 359th sa Fortune Global 500.
Makabagong mobilidad
Ang kumpanya ay kasalukuyang supplier ng higit sa 10,000 iba’t ibang pyesa ng sasakyan kabilang ang power sliding door, automatic tailgate, navigation system at mga supistikadong gearboxes.
Ang mga produkto ng Aisin ay ginagamit bilang standard na pyesa sa maraming brand ng sasakyan tulad ng Toyota, Lexus, Mitsubishi, Nissan, Honda, Isuzu, Ford, Volvo, Audi, GM at Chrysler.
Hangad ng Aisin na maghatid kalayaan at kaligayahan sa pamamagitan ng makabagong mobilidad para sa lahat. Layunin nito ang patuloy na pagbubuo ng mga kongkretong solusyon sa pangangalaga ng kalikasan at ng lipunan. Nakatuon ang Aisin sa paggamit ng clean energy upang matiyak ang ginhawa at kaligtasan sa hinaharap.
'Inspiring movement, creating tomorrow'
Ayon sa kanilang prinsipyong "Inspiring movement, creating tomorrow," ang Aisin ay nagsusulong ng patuloy na ebolusyon ng mobilidad upang makamit ang carbon neutrality pagsapit ng 2050.
Gamit ang pinagsama-samang kaalaman at kakayahang naperpekto dala ng malawak na karanasan sa iba-ibang negosyong pang-teknolohiya, nais ng Aisin na magbigay-ambag tungo sa lipunang mas malusog, mas masaya at mas puno ng inspirasyon.