^

Bansa

SWS: Satisfaction rating ni Duterte nasa 75% noong Mayo; 84% noong Nobyembre

Philstar.com
SWS: Satisfaction rating ni Duterte nasa 75% noong Mayo; 84% noong Nobyembre
Litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nakikipagpulong sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ika-22 ng Setyembre, 2021
Presidential Photos/Arman Baylon

MANILA, Philippines — Sa gitna ng matinding krisis ng coronavirus disease (COVID-19), nakuha pang masungkit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinakamataas niyang satisfaction rating sa kasaysayan 10 buwan na ang nakalilipas.

Umabot kasi ng 84% ang kanyang satisfaction rating sa unang face-to-face Social Weather Station (SWS) survey nitong Nobyembre 2020 — bagay na ngayong Huwebes lang inilabas sa isang online forum.

Gayunpaman, dumulas ito patungong 75% para sa parehong Mayo 2021 at Hunyo 2021. Ngayong araw din inilabas ang mga resulta niyan, ang unang beses na nag-release ng tatlong batches ng satisfaction survey results ang SWS sa kasaysayan.

Satisfied:

  • Nobyembre 2020 (51% very satisfied, 33% somewhat satisfied)
  • Mayo 2021 (34% very satisfied, 41% somewhat satisfied)
  • Hunyo 2021 (34% very satisfied, 41% somewhat satisfied)

Dissatisfied:

  • Nobyembre 2020 (4% somewhat dissatisfied, 2% very dissatisfied)
  • Mayo 2021 (6% somewhat dissatisfied, 4% very dissatisfied)
  • Hunyo 2021 (9% somewhat dissatisfied, 4% very dissatisfied)

Undecided:

  • Nobyembre 2020 (9%)
  • Mayo 2021 (15%)
  • Hunyo 2021 (12%)

Kumakatawan ang mga naturang porsyento ng adult population na na-survey noong nabanggit na panahon.

Ang pagbagsak ng net satisfaction ratings ni Duterte, mula +79 noong Nobyembre 2020 patungong +65 noong Mayo, ang ikatlong beses na nakakita ng double-digit fall ang presidente.

Unang beses naitala 'yan noong Setyembre 2017 kung kailan napatay sa madugong drug operation ang 17-anyos na si Kian delos Santos. Hunyo 2018 naman nang nangyari ang ikalawa noong sabihin niyang "estupido ang Diyos mo," bagay na umani ng batikos mula sa maraming Pinoy.

Nakukuha ang net satisfaction rating sa pag-aawas ng satisfied sa dissatisfied.

Inilabas ang tatlong results kasabay ng pagpirma ni Digong sa kanyang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ngayong araw, bagay na nagtatakda ng kanyang pagtanggap sa nominasyon ng PDP-Laban Cusi faction bilang kandidato nila sa pagkabise presidente sa 2022.

Hulyo 2021 lang nang lumabas sa Pulse Asia survey na nangunguna si Digong sa vice presidential surveys sa puntos na 18%. Gayunpaman, maraming kumekwestyon sa pagtakbong ito lalo na't posible siyang maupong presidente uli kung matatanggal sa pwesto ang presidente.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, bawal uling tumakbo sa pagkapangulo ang kasalukuyang presidente. — James Relativo

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

SATISFACTION RATINGS

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with